in

Ano ang required salary sa pag-aaplay ng italian citizenship?

Ang required salary sa pag-aaplay ng italian citizenship

Ang required salary para sa aplikasyon ng italian citizenship ay isa sa mga nasasaad sa Batas n. 91/92. Partikular sa artikulo 9 ng batas Feb 5 1992 n. 91 ay nasasaad ang pagkakaroon ng kabuuang sahod ng € 8.263,31 ng aplikante.

Ang halaga ng sahod na nabanggit ay tumutukoy lamang sa isang aplikante ng italian citizenship for residency. Samantala, ay kailangan ang halagang € 11.362,05 kung kasama ang asawa sa pag-aaplay at ang halagang € 516,46 para sa bawat anak.

Upang mapatunayan ang nabanggit na requirement, ay kailangang ilakip sa aplikasyon ang Certificazione Unica (CUD), Modello Unico o 730 sa huling tatlong taon.

Gayunpaman, hindi sapat ang pagkakaroon ng sapat na sahod sa taon ng aplikasyon ng citizenship. Ayon sa batas, sa katunayan, ay nasasaad na ang required salary para sa citizenship ay para sa tatlong taon bago ang pagsusumite ng aplikasyon. Ito ay nangangahulugan na ang minimum salary ay dapat na €8.263,61 para sa tatlong taong nauuna bago ang pag-aaplay ng italian citizenship.

Bukod dito, ay kailangan ding patunayan sa estado ang pinagmulan ng sahod at ito ay kailangang buhat sa legal na paraan, regular na deklarado sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.

Para sa kabuuang sahod ay maaaring ikunsidera ang tinatawag na ‘reddito nucleo familiare’. Kung mayroong ibang sahod sa pamilya bukod sa aplikante ay maaaring idagdag o ilakip sa sahod ng aplikante at ang kabuuang sahod ng aplikante at ibang miyembro ng pamilya ay tinatawag na ‘reddito nucleo familiare’.

Halimbawa, sa kaso ng isang pamilya o nucleo familiare, ang kinakailangan upang mabuo ang minimum salary required ay ang sahod ng aplikante at pati na rin ang sahod ng asawa at/o mga anak. Sa puntong ito, kahit ang isang aplikante ng italian citizenship ay walang sahod – na maaaring isang mag-aaral o isang housewife – ay nagtataglay na rin ng kinakailangang itinalagang sahod dahil sa pagiging miyembro ng parehong ‘nucleo familiare’.

Kaugnay nito, ay kailangang malinaw kung sino ang kinikilalang miyembro ng nucleo familiare para sa kalkulasyon ng minimum salary required at sino ang maaaring maglakip ng sahod. Batay sa Circular K ng 05/01/2007 ng Ministry of Interior, ay kinikilalang miyembro ng ‘nucleo familiare’ ang sinumang kabilang ng iisang ‘stato di famiglia’.

Samakatwid, kung ang required salary para sa aplikasyon ng citizenship ay hindi sapat at ito ang nalalabing requirements na kailangan ng aplikante, nasasaad sa Batas 91/92, bago tuluyang tanggihan ang aplikasyon, ang public administration ay pinahihintulutan, batay sa batas n. 15/2005 at n. 80/2005, ang assessment sa sahod upang mapabuti ang sitwasyon ng aplikante.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

P.3, ang bagong Philippine Covid19 variant, kumpirmado

kit-postale-ako-ay-pilipino

Anu-ano ang mga dokumento na kailangan sa renewal ng permesso di soggiorno lavoro subordinato 2021?