Ang Rimpatrio Volontario Assistito o Assisted Voluntary Return and Reintegration ay isang programa ng gobyerno sa Italya na sumasaklaw sa kusang-loob o bolontaryong pagnanais ng mga dayuhan at/o ng kanyang pamilya na bumalik sa sariling bansa. Layunin ng programa na tumulong sa mga third country nationals, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, suporta at serbisyo sa mga dayuhan sa pre-departure bago lumisan ng Italya at reintegration sa pagdating sa country of origin.
Sinu-sino ang maaaring mag-aplay ng Rimpatrio Volontario Assistito?
Maaaring mag-aplay sa programa ng Rimpatrio Volontario Assistito ang mga:
- Mga dayuhang mamamayan na hindi pa nakakatanggap ng final rejection sa aplikasyon ng permesso di soggiorno at/o international protection;
- Mga dayuhang regular o iligal ang pananatili sa Italya, kabilang ang mga naantala ang expulsion;
Sinu-sino ang hindi maaaring mag-aplay sa programang Rimpatrio Volontario Assistito?
Hindi maaaring mag-aplay sa programa ng Rimpatrio Volontario Assistito ang mga:
- Mga mamamayan ng mga kasaping bansa ng European Union;
- Mga dayuhang nagmula sa mga bansa kung saan hindi kinakailangan ang entry visa;
- Ang mga migrante na nakatanggap na ng tulong mula sa programang Rimpatrio Volontario Assistito;
- Ang mga nakatanggap ng order of expulsion dahil sa criminal case o sa pagkakaroon ng European warrant of arrest o warrant of arrest mula sa International Criminal Court;
- Ang mga pinapaalis sa Italya sa hindi pagsunod sa order sa paanyayang lisanin ang Italya.
Ano ang mangyayari matapos mag-aplay sa programa?
Ang mga aplikante ay dadaan sa pagsusuri. Lahat ng mga maaaprubahan at makakatanggap ng tulong mula sa programa ay tatanggihan ang status sa bansa at pati ang permesso di soggiorno sa kanilang pag-alis mula sa Italya ngunit tandaan na hindi sila napapailalim sa anumang pagbabawal sa regular na muling pagpasok sa Italya.
Ang tulong at suporta na ibinibigay bilang bahagi ng programa ay maaaring iba’t ibang mga uri:
- Logistics (pag-aayos ng mga dokumentasyon at flight);
- Financial (pagbabayad ng one-way ticket, kasama ang ibang gastusin tulad ng travel document);
- Social;
Kasama din sa programa ang pagbibigay ng pondo na kakailanganin sa pagbabalik sa sariling bansa tulad ng allowance para sa tirahan, sa pagbili ng ilang kasangkapan, produkto at serbisyo, allowance para sa anumang medical check-ups at gamot, sa pagpapa-aral ng mga anak at kapital sa pagbubukas ng maliliit na negosyo, at iba pa.
Paano makaka-access sa programang Assisted Voluntary Return and Reintegration?
Ang Assisted Voluntary Return and Reintegration ay programa ng Ministry of Interior – Department of Civil Liberty and Immigration, at ipinatutupad ng iba’t ibang aktibong NGOs sa sektor ng imigrasyon.
Ang mga dayuhang nais na mag-aplay sa programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration ay maaaring makipag-ugnayan sa mga NGOs na direktang namamahala sa programa.
- ERMES 3- progetto gestito dal Centro Informazione e Educazione allo Sviluppo (CIES) Onlus
- INTEGRAZIONE DI RITORNO 4 – progetto gestito dal Consiglio Italiano per i Rifugiati (CIR)
- BACK TO THE FUTURE 2 – progetto gestito dal Gruppo Umana Solidarietà G. Puletti (GUS)
- UNO: UNA NUOVA OPPORTUNITA’ – progetto gestito da COMITATO EUROPEO PER LA FORMAZIONE E L’AGRICOLTURA Onlus CEFA
- RE-BUILD – progetto gestito da CO&SO – CONSORZIO PER LA COOPERAZIONE E LA SOLIDARIETA’ – CONSORZIO DI COOPERATIVE SOCIALI – SOCIETÀ COOPERATIVA SOCIALE
- THE WAY OF THE FUTURE – progetto gestito da ARCI MEDITERRANEO IMPRESA SOCIALE SRL
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website ng Ministry of Interior.
Basahin din:
- Romy, muling nagbalik sa Pilipinas sa tulong ng “Back to the Future” project
- Back to the Future, ang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration