in

Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL

Ang domestic job ay nababahagi sa antas o lebel, batay sa uri ng trabaho, sa tagal sa trabaho at batay sa kwalipikasyon o kakayahan.

Bawat kategorya ay mayroong angkop na wages, terms at working condition.

Ang bawat kategorya o ang “livelli di inquadramento“, ayon sa National Collective Labor Contract o CCNL, ay apat at mayroong dalawang antas ng sahod ang bawat isa: semplice at super.

Ang bawat antas ay mayroong angkop na minimum wage, trial period at awtomatikong pagtaas ng antas.

Ang antas ay kinikilala batay sa:

  • kakayahan sa trabaho (mansioni prevalenti)
  • tagal sa serbisyo (anzianità di servizio)
  • antas ng responsabilidad  (grado di responsabilità)
  • kwalipikasyon o kakayahan (qualificazione professionale del lavoratore)

LEVEL A – LIVELLO A

Binubuo ng mga manggagawang wala o mayroon hanggang 12 months working experience (kahit sa iba’t ibang employers). Tinaguriang ‘utility man’, at nasa ilalim ng direktang pagsubaybay ng employer. Hindi sakop ang assistance to person.

Semplice: domestic worker sa unang working experience; taga-linis, taga-laba; tumutulong sa pagluluto;house keeper; taga-dilig; tagapag-alaga ng hayop;

Super: tagapag-alaga ng mga self sufficient person (o autosufficienti); occasional baby-sitter at/o hindi palagiang nagbabantay sa mga bata kung wala ang mga magulang nito o kamag-anak

LEVEL B – LIVELLO B

Mga mangagawang mayroong working experience na higit sa 12 months, na nagpapakita ng kakayahan sa pagganap ng trabaho.

Semplice: multi-function collaborators, house keeper; taga-plantsa, server, gardener; qualified laborer; driver

Super: assistance to self-sufficient person (matatanda at bata), at sakop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay

LEVEL C – LIVELLO C

Mga manggagawang nagtataglay ng kapasidad sa trabaho na nagpapahintulot upang gawin ang mga aktibidad ng responsabile kahit na nag-iisa.

Semplice: cook, taga-handa ng pagkain at taga-handa ng mga kinakailangan dito

Super: assistance to non self-sufficient o non autosufficienti (matatanda at bata), walang diploma at sakop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay.

LEVEL D – LIVELLO D

Mga manggagawang nagtataglay ng diploma o certification at mayroong kakayahang mag-desisyon, responsabile sa pagpapatakbo at koordinasyon.

Semplice: tagapangasiwa ng ari-arian ng pamilya; maggiordomo; governess; head cook; head gardener; instructor.

Super: assistance to non self-sufficient person o non autosufficienti (matatanda o bata), mayroong diploma o certificate (hal: assistant nurse etc..) ukol sa trabaho at akop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay;

Para sa mga self-sufficient person ay tumutukoy sa mga taong kayang gampanan ang mga pangunahing aktibidad ukol sa pangangalaga sa sariling katawan at pangangailangan.

Ang formation ay tumutukoy naman sa mga workers na mayroong diploma o certification ukol sa tungkulin at trabaho, maaaring sa Italya o sa sariling bansa, gayun din ang mga kurso na tumatagal ayon sa itinalaga ng regional legislation at karaniwang hindi bababa sa 500 hrs.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pagkaimpatso

Ilang Pilipino, biktima ng “budol-budol” sa Firenze