Sa pagtatapos ng taon, ang mga domestic workers ay karaniwang tinatanggap ang mga sumusunod:
- Income ng holiday season;
- Tredicesima o 13th month pay;
- Bahagi ng Trattamento Fine Rapporto o anticipo TFR.
Basahin din:
- Holiday sa domestic job, narito ang nasasaad sa National Domestic Work Contract
- 13th month pay o tredicesima ng mga colf. Kailan matatanggap? Paano kinakalkula?
- TFR o liquidazione, paano kinakalkula?
Kaugnay nito, sa bagong CCNL ay hindi nagkaroon ng anumang pagbabago ang ukol sa TFR. Pinanatili nito ang indikasyong maaaring magbigay ang employer ng mas maaga ng TFR.
Ang trattamento di fine rapporto o tfr o separation pay ay karaniwang ibinibigay sa pagtatapos ng employment. Ngunit sa kaso ng domestic job, nasasaad sa artikulo 40 ng national collective contract, ito ay maaaring ibigay ng maaga ng employer kung hihingin ng worker, isang beses sa isang taon at hanggang 70% ng halaga nito.
Sa katunayan, mainam at ipinapayo kung taun-taon ay natatanggap ng colf ang isang bahagi o anticipo ng TFR. Ang anticipo tfr ay isang paraan ng pagtulong sa employer na hindi umabot sa malaking halaga kung ibibigay sa pagtatapos ng employment. Bukod dito ay maiiwasan din ang anumang hindi pagkakaunawaan o demandahan.
Gayunpaman, tandaan na ayon sa CCNL, ang anticipo TFR ay maaaring gawin isang beses sa isang taon lamang. Samakatwid, ang sinumang nakatanggap na ng bahagi ng TFR sa kasagsagan ng lockdown ay hindi na maaaring makatanggap muli sa Disyembre. (PGA)