in

Anu-ano ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng Italian Citizenship?

Matapos ang higit sa 10 taong paninirahan sa Italya ay ipinapayo sa maraming Pilipino ang pag-aaplay ng Italian citizenship by residency. Anu-ano nga ba ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng Italian Citizenship? 

Nagiging Italian Citizen ang isang dayuhan o foreigner sa Italya kung matutugunan ang mga kundisyong itinalaga ng batas. Sa katunayan, ang mga requirements ay hindi maituturing na madali dahil ang pagiging citizen ng isang foreign country ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng isang partikular na kondisyong ligal upang maging bahagi ng isang bansa, kung saan hindi isinilang at lumaki ngunit mayroong relasyong nag-uugnay sa bansang ito. Kaakibat ng bagong status na ito ang mga benepisyong pangkultural, pampulitika at panlipunan, na magpapahintulot na matanggap ang iba`t ibang mga tungkulin at karapatan, na hindi natatanggap ng isang dayuhan.

Ang Tungkulin sa pagkakaroon ng Italian Citizenship

Ang Oath of Allegiance ng mga bagong mamamayan ay ginagawa bilang tanda ng pagtatapos ng proseso ng naturalization. 

Sa Italya, ang Artikulo 54 ng Saligang Batas ay nagsasaad na ang bawat mamamayan ay may tungkulin na maging tapat sa Republika at pagtibayin ang Konstitusyon at mga batas nito, habang ang Provision XVIII ay nagsasabing ang bawat mamamayan ay kailangang tapat na sundin ang Konstitusyon bilang pangunahing batas ng Republika.

Giuro di essere fedele alla Repubblica e di osservare la Costituzione e le leggi dello Stato”.

Isang araw makalipas ang panunumpa ay nagsisimula ang pagiging naturalized Italian. Kasabay nito ang transcription ng birth certificate sa Italya at ang pagkakaroon ng mga Italian documents tulad ng pasaporte, Italian national ID o carta identità bilang Italian at ang scheda elettorale o ang voter’s ID.

Mga Karapatan sa pagkakaroon ng Italian Citizenship

Ang pagkakaroon ng Italian passport ay karapatang magpapahintulot sa mga sumusunod:

  • Hindi na mangangailangan pa ng permesso di soggiorno o carta di soggiorno na may limitadong validity. 
  • Hindi na mangangailangan ng entry visa sa pagpasok sa maraming bansa. Nilagdaan ng Italya ang mga international agreements sa maraming mga bansa at ngayong 2021 ay posibleng bisitahin ang 171 countries nang hindi kinakailangang mag-apply para sa entry visa.

Dahil sa dalawang bagay na nabanggit, malaking halaga at malaking panahon ang matitipid ng dating dayuhan. 

Pagiging European Citizen

Ang pagiging naturalized Italian ay nangangahulugan din ng pagiging European citizen. 

Karapatang Bumoto

Ang pagkakaroon ng scheda elettorale ay nangangahulugan ng karapatang bumoto na ibinibigay lamang sa mga mamamayang Italyano at mga mamamayan ng European Union. Sa Italya ang boto ay: 

  • Personal – Ito ay nangangahulugan na maaari lamang gawin ng taong may karapatan nito at hindi maaaring ipagkatiwala sa ibang tao o magbigay awtorisasyon para dito. 
  • Pantay-pantay – Bawat botante ay may karapatan sa isang boto lamang at bawat boto ay pantay-pantay para sa batas.
  • Malaya – Bawat botante ay malayang pumili ng Partido at kandidatong nais.
  • Confidential – Ang boto ay confidential na nagpapahintulot sa botante na bumoto nang walang anumang kundisyon.

Ang karapatang bumoto sa Italya ay nagagamit sa ilang eleksyon: 

  1. Political election sa paghalal ng mga miyembro ng Parliamento Italiano. Ito ay nagaganap tuwing 5 taon. Sa Camera ay maaaring bumoto ang mga may edad 18 anyos, habang sa Senato ay maaaring bumoto ang mga may edad 25 anyos. Kahit ang mga Italyano sa ibang bansa ay may petsang nakatakda para sila ay bumoto. 
  2. European election sa paghalal ng mga kinatawan sa European Parliament. Ito ay nagaganap din tuwing 5 taon. Ang Italya ay mayroong higit sa 73 mga kinatawan. 
  3. Administrative election para ihalal ang mga regional at local na kinatawan. 
  4. Referendum upang ipahayag ang boses o opinion sa isang partikular na batas.

Karapatang Mahalal 

Ang mga mamamayang Italyano lamang ang may karapatang mahalal, bagaman may limitasyon sa eded: 

  • 25 anyos bilang Deputato,
  • 40 anyos bilang Senador.

Maaaring mahalal bilang Mayor, Assessor o Councilor. 

Karapatan magkaroon ng public position

Ang pagkakaroon ng Italian citizenship ay nagbibigay-daan din upang magkaroon ng access sa iba’t ibang mga concorsi o bandi o public competition bilang carabinieri, pulis, marshal o sundalo.

Basahin din:

Nangangailangan ba ng higit na impormasyon ukol sa aplikasyon sa Italian citizenship? Mag-register sa Migreat para sa libreng legal advice mula kay Atty. Federica Merlo! 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

Covid19 Rapid test, ibinaba ang halaga sa € 8,00 para sa mga kabataan

Pin ng Inps, balido hanggang Sept. 30, 2021 na lang