in

Anu-ano ang mga kailangang dokumento para sa verification at authentication ng Nulla Osta?

Sa tulong ng aking employer, ay isa ako sa pinalad na mapa-direct hire ang aking asawa. Dumating na ang ‘convocazione’ para sa releasing ng ‘nulla osta’. May nagbalita sa akin na dapat dalhin sa Phil. Embassy ang ‘nulla osta’ for authentication. Anu-ano po ba ang mga dokumentong dapat dalhin? Magkano po ang mga bayarin?

altMga Kailangang Dokumento Para sa Verification at Authentication (Red Ribbon)  ng Nulla Osta al Lavoro.

2 photocopies (xerox) ngNulla Osta. DALHIN DIN ANG ORIGINAL.

2 copies ng VR Form No.1 (1 original at 1 photocopy).Siguraduhing may pirma ng datore di lavoro o amo (with signature of Employer), at may sulat ang lahat na patlang kabilang na ang occupazione (trabaho ng amo), nulla osta o Prot. nr., salario, ore di lavoro, livello, tipo at allogio (kung saan maninirahan ang worker). Dapat may telephone number din ng amo.

2 photocopies ng identification card (ID) ng amo tulad ng carta d’ identita, patente o passport (with signature page o page 2 ng Italian passport) etc., na may pirmang napaloob at hindi pinirmahan lamang sa labas ng potokopyang dokumento.

2 photocopies ng passport ng worker na ine-empleyo o pinepetisyon (dapat malinaw).

1 copy (original)ng VR Form 2Autorizzazzione (Authorization) at Statement of Guarantee. Ang authorization ay susulatan ng amo kung ang maglalakad ng papeles sa embahada ay representative niya. Dapatitoaypirmado ng amo (duly signed by employer).

Ang Statement of Guarantee ay susulatan ng representanteng mismong maglalakad ng papeles ng amo (representative). (The Statement of Guarantee shall be accomplished and signed by the representative bringing the documents to the Embassy).

1 copy ng passport o ibang dokumento ng authorized representative o delegang amo.

Note: Maaring humingi ng forms nito mula sa POLO Office ng Philippine Embassy, sa mga konsulato o sa mga Filcom leaders sa inyong area. Puwede ring mag-request nito via e-mail sa polo.roma@yahoo.com.

PARA SA MAAYOS AT MABILIS NA PAG-PROSESO, AYUSIN ANG MGA PAPELES SA DALAWANG SETS AT AYON SA SUMUSUNOD:

Sets 1
1 fotokopya ng Nulla Osta
1 original na Form 1 (Atto di Sottoscrizione o Deed of Undertaking)
1 fotokopya ng dokumento ng amo (carte d’ identita, passport o patente na may pirmang napaloob)
1 fotokopya ng passport ng worker na pinepetisyon o ine-empleyo

Set 2:
1 fotokopya ng Nulla Osta
1 fotokopya na Form 1 – Atto di Sottoscrizione
1 fotokopya ng dokumento ng amo (carte d’ identita, passport o patente na may pirmang napaloob)
1 fotokopya ng dokumento ng worker na pinepetisyon o ine-empleyo
1 orihinal na kopya ng Form 2 o Autorizzazione o delega at Statement of Guarantee
1 fotokopya ng dokumento ng delega o ang naglalakad ng papeles

Kung ang amo o datore di lavoro ang mismong maglalakad ng papeles sa Embassy, kakailanganin lamang ng tigalawang (2) fotokopya ng nulla osta, Deed of Undertaking, fotokopya ng identification card ng amo at fotokopya ng worker na pinepetisyon.

Ang mga bayarin ay ibinaba mula €13 sa €6.96 para sa buwan ng Hunyo at para sa Verification (Red Ribbon) ay €25.

PAKIUSAP: HUWAG GUMAMIT NG STAPLER PARA SA MGA DOKUMENTO.  GUMAMIT LAMANG NG PAPER CLIPS. TANDAAN: HINDI IPO-PROSESO ANG MGA DOKUMENTONG KULANG SA PIRMA O REQUIREMENTS. (12mar09)

Download Verification Form 1

Download Verification Form 2

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ILAGAN: “Philippines is primed and ready for a divorce law”

Aubrey Miles, Troy Montero at Noel Gascon, naghatid saya sa Roma!