Ang Ape Sociale 2018 ay para din sa mga domestic workers. Ayon sa mga probisyon ng batas, ang mga domestic workers at caregivers ay maaaring mag-retire sa pagsapit ng 63 anyos at tumanggap ng early pension. Hindi lamang ito: kahit ang mga domestic workers na walang trabaho (dahil nagtapos ang kontrata) ay makikinabang din ng ape sociale kung nagkaroon ng 18 buwan ng trabaho sa huling 3 taon.
Sa tinatawag na Ape rosa o ang bonus contributivo para sa mga kababaihang may anak na nagpapahintulot sa isang discount hanggang 2 taon ng kontribusyon, ang pagtanggap ng ape sociale ng mga colf at caregivers ay ginawang mas simple. Ang pagbabagong ito na nasasaad sa legge di Bilancio 2018, na idadagdag sa bagong direktiba mula sa Ministry of Labor at ipinatutupad ng Inps, ay nagpapahintulot na palawakin ito sa sinumang nagka-trabaho ulit matapos ang disoccupazione, kung nagka-trabaho ulit ng hindi hihigt sa 6 na buwan at sa sinumang mayroong social security contributions sa labas ng bansang Italya.
Paano ipinatutupad ang Ape sociale?
Ang ape sociale ay isang allowance mula sa estado na maaring hilingin mula 63 anyos at matatanggap ng worker hanggang sa pagsapit sa itinakdang edad para matanggap ang old age pension. Ipinapaalala ang itinakdang edad sa pagtanggap ng old age pension ay 66 anyos at 7 buwan hanggang December 31, 2108; at mula 2019 ay 67 anyos naman. At dahil ang panahon ng pagtanggap ng ape sociale ay hindi lalampas ng 3 taon at 7 buwan, ang requirements sa edad para sa early pension ay 63 taon at 5 buwan.
Ang allowance ay katumbas ng halaga ng future pension at hindi lalalmpas sa €1500 kada buwan.
Sino ang maaaring tumanggap ng ape sociale?
- Ito ay matatanggap ng mga workers kung sa pag-aaplay ay:
- may edad na 63 anyos;
- mayroong assicurazione generale obbligatoria (o Ago kung saan kasama ang mga nakatala sa pension plan, gestioni speciali ng self-employed), gestione separate ng Inps;
- huminto na sa pagta-trabaho;
- hindi tumatanggap ng pensyon.
Ang mga beneficiaries ng ape sociale ay kailangang nagtataglay ng hindi bababa sa 30 taong kontribusyon kung kabilang sa isa sa mga sumusunod na kategorya:
- Mga walang trabaho dahil sa nagtapos ang kontrata. Kailangang natapos na ng 3 buwan ang pagtanggap ng unemployment allowance o Naspi at hindi muling nagka-trabaho. Ang allowance ay hindi ibibigay sa sinumang hindi nakatanggap ng Naspi;
- Mula 2018 ay maaaring matanggap ng mga walang trabaho dahil nagtapos ang kontrata, kung nagkaroon ng 18 buwang trabaho, 36 na buwan bago ang petsa ng pagtatatapos ng rapporto di lavoro a tempo determinato; kahit sa pagkakataong ito ay kailangang nakatanggap ng Naspi.
- Ang mga workers na nag-a-assist sa asawa o anak na kapisan na disable ng mula 6 na buwan, batay sa Legge 104;
- Workers na mayroong 74% o higit pa na disability.
Sa paanong paraan ito matatanggap ng mga colf at caregivers?
Ang mga colf at caregivers ay maaaring matanggap ang ape sociale kung kabilang sa mga nabanggit na kategorya sa itaas at nagtataglay ng requirements. Ito ay dahil ang mga domestic workers ay nakatala sa obligatory general insurance at samakatwid ay may karapatang matanggap ang Ape sociale.
Kahit ang mga colf at caregivers na mayroong libretto famiglia ay may karapatan ding matanggap ang Ape sociale, dahil ang kontribusyon ay accredited sa gestione separata ng Inps.
Matatanggap ba ng mga colf na walang trabaho ang Ape sociale?
Para sa taong 2018, ay binago ang mga requirements para sa mga walang trabaho o disoccupati upang matanggap ang Ape sociale
Partikular, maaaring matanggap ng mga walang trabaho kung:
- Nagtapos ang rapporto di lavoro dahil nagtapos ang kontrata at mayroong 18 buwang trabaho sa huling 3 taon;
- Tumanggap ng Naspi;
- Nagka-trabaho muli matapos makatanggap ng Naspi ng hindi lalampas ng 6 na buwan, at nagkaroon ng contratto lavoro subordinato, o voucher, o contratto occasionale, o libretto famiglia.
Dahil dito, kahit ang mga colf at caregivers ay may karapatang matanggap ang ape sociale kung nagtatagay ng mga nabanggit.
Bukod dito, ipinapaalala na para matanggap ang Naspi ay kailangang nagkaroon ng 13 linggong kontribusyon sa huling 4 na taon at 30 araw na working days sa isang taon.
Ang requirements ng 30 working days sa isang taon ay natutugunan ng mga colf kung nagtrabaho ng 5 linggo at 12 buwan bago ang pagtatapos ng rapporto di lavoro at may minimum na oras ng trabaho kada linggo na katumbas ng 24 oras.