Matapos kumpirmahin ng Legge di Bilancio, isang komunikasyon ang inilabas ng Inps sa pamamagitan ng isang Circular na nagbibigay-linaw ukol sa requirements at halaga ng Bonus Bebè 2019, kabilang na dito ang pagpapalawig o extension sa pagsusumite ng aplikasyon para sa mga ipinanganak sa mga unang buwan ng taong 2019.
Ang Bonus Bebè 2019 ay ang tulong pinansyal na kinikilala ng estado at ibinibigay sa mga pamilya na mababa ang sahod, kung saan isinilang o inampon ang isang sanggol o bata sa loob ng taong kasalukuyan o mula Jan. 1, 2019 hanggang Dec 31, 2019.
Ang benepisyo, mula € 80 hanggang € 192 ay ibinibigay sa pamilya mula sa kapanganakan o mula sa pagdating sa pamilya ng bagong miyembro nito sa pamamagitan ng pag-aampon.
Sa pamamagitan ng Circular ng Inps number 85 ng June 7, 2019 ay nagbigay ng paglilinaw ang nabanggit na tanggapan ukol sa halaga, requirements at kung paano mag-aaplay.
Upang matanggap ang bonus, ang pamilya ng magulang na syang aplikante ay kailangang residente sa Italya at mayroong balidong ISEE na hindi lalampas sa € 25,000, mula sa petsa ng aplikasyon hanggang sa pagtatapos ng pagtanggap ng tulong.
Maaaring mag-aplay ang mga Italyano at Europeans. Samantala ang mga non Europeans, tulad ng paglilinaw ng Circular ng Inps ng Dec 6, 2016, ay maaaring mag-aplay lamang ang may hawak ng mga sumusnod na uri ng dokumento:
- EC long term residence permit o permesso di soggiornno UE per soggiornanti di lungo periodo;
- Carta di soggiorno (per familiare di cittadino dell’UE at permanente per i familiari non aventi la cittadinanza)
Makakatanggap din ng tulong ang mga mayroong political asylum o international protection status.
Ang halaga ng benepisyo ay batay ISEE at ito madadagdagan ng 20% sa kasong ang susunod na anak ay isisilang o ang ampon ay magiging bahagi ng pamilya sa taong 2019. Ito ay para rin sa kasong kambal ang anak.
Kung ang ISEE ay hindi lalampas ng € 7000 sa isang taon, ang halaga ng benepisyo ay € 160 kada buwan hanggang 12 buwan o € 1920. At nagiging € 192 naman kada buwan sa kaso ng may karagdagang 20% o € 2304 sa loob ng 12 buwan.
Para sa mga pamilya ang ISEE ay lampas ng € 7000 ngunit hindi bababa ng € 25,000, ang halaga ay € 80 kada buwan o € 960 para sa isang taon at € 96 kada buwan kasama ang 20% nito at € 1152 para sa isang taon.
Ang aplikasyon ay kailangang isumite sa loob ng 3 buwan o 90 araw mula sa araw ng kapanganakan o petsa ng pag-aampon. Isang aplikasyon para sa bawat anak o ampon.
Samantala, para sa mga ipinanganak mula Jan 1, hanggang March 15, 2019, ayon pa rin sa Circular ang nabanggit na 90 araw o 3 buwan na deadline ng submission ng aplikasyon ay nagsimula ng Marso 15, 2019, samakatwid hanggang noong June 13, 2019. Gayunpaman, ay maaari pa ring magsumite ng aplikasyon. Ang benepisyo ay nananatiling kikilalanin ngunit hindi matatanggap ang mga arretrati.
Lahat ay gagawin online sa website ng Inps, www.inps.it. Maaari ring sa tulong ng mga patronati.
Narito kung paano ito gagawin sa website ng Inps.
- Mag log in sa official website ng Inps;
- Magpunta sa “Servizi online”;
- Gawin ang authentication gamit ang PIN;
- I-click ang “Invio domande di orestazione a sostegno del reddito”;
- Piliin ang “Assegno di natalità”;
- Pumunta sa Bonue Bebè at i dowinload ang application form (modello SR163).
Pagkatapos ay ipadala ang apliaksyon sa pamamagitan ng mga sumusnod na paraan:
- In allegato (sa pammagitan ng “gestione allegat”);
- Sa pamamagitan ng PEC sa email address ng Inps;
- Sa pamamagitan ng normal na email sa casella istituzionale delle Prestazioni a sostegno del reddito sa tanggapan ng Inps na kinasasakupan;
- Personal sa tanggapan ng Inps na kinasasakupan, lakip ang kopya ng balisdong ID
Ang bonus bebè ay matatanggap tuwing ika-5 araw ng buwan at ang una ay matatanggap sa katapusan ng buwan ng Hulyo. Ito ay sa pamamagitan ng conto corrente bancario o postale. At dahil dito ay huwag kalimutang ilagay ang bank details o IBAN sa aplikasyon.