Ang aplikasyon ng italian citizenship – by residency, by marriage at kahit ang mga ipinanganak sa Italya sa pagsapit ng 18 anyos – ay napapailalim sa pagbabayad ng isang kontribusyon na nagkakahalaga ng € 250,00.
Bukod sa iba pang requirements upang maging naturalized Italian, ay kailangang bayaran ang halagang nabanggit, gamit ang bollettino postale sa account number na 809020 sa Ministero dell’Interno DLCI-Cittadinanza. Ang mga bollettini ay matatagpuan sa mga Prefecture at mga Post Offices na mayroong ‘Sportello Amico’.
Matapos bayaran ang halagang nabanggit, ang pinagbayaran ay kailangan i-scan upang mapatunayan ang pagbabayad nito at kasama ang ibang requirements at aplikasyon ay ipapadala online sa bagong website ng Ministry of Interior na esklusibong nakalaan lamang para sa mga aplikasyon ng Italian citizenship.
Tandaan, sa kasong rejected o negatibo ang resulta ng aplikasyon, ang kontribusyon ay hindi ibabalik sa aplikante.
Simula noong October 2018, sa pagpapatupad ng decreti salvini mula € 200,00 ay itinaas sa € 250,00 ang halaga ng ‘kontribusyon’ sa pag-aaplay ng Italian citizenship. Ang halagang nabanggit ay nanatili kahit pa tuluyang tinanggal na ang decreti salvini.
Kailangan rin ba ang marca da bollo ng €16,00?
Sa aplikasyon, bukod sa pinagbayarang €250,00 ay kailangan din ang numero ng e-marca da bollo. Ito ay nagkakahalaga ng €16,00. Ito ay hindi muna idinidikit sa aplikasyon bagkus ay isinusumite sa Prefecture sa araw ng appointment. (PGA)
Basahin din:
- Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021
- Italian citizenship by marriage, sino at paano mag-aplay?
- Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano