in

Assegno Sociale: ang mga requirements at ang paraan ng pag-aaplay

Assegno Sociale Ako Ay Pilipino

Ang Assegno Sociale ay isang benepisyo na ibinibigay sa mga aplikante mula 67 anyos na may pangangailangang pinansyal dahil sa kawalan ng sahod o ang sahod ay mas mababa kaysa sa halagang itinatalaga ng batas taun-taon. Ang halaga ng assegno sociale sa taong 2021, € 5,983.64 sa mga single at € 11,967.28 sa mga mag-asawa.

Ito ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng 13 buwan, sa mga hindi na maaaring mag-trabaho o bilang karagdagan sa maliit na pensyon/sahod.  

Sino ang maaaring mag-aplay ng Assegno Sociale? 

Maaaring mag-aplay ang mga mamamayang Italyano, Europeans at mga dayuhan na mayroong EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno. Ito ay ginawang requirement sa pamamagitan ng Batas 388/2000. 

Bukod dito ay kailangang patunayan ang:

  • 10 taong tuluy-tuloy na paninirahan sa Italya;
  • Residente sa Italya habang tumatanggap ng benepisyo. 

Samakatwid, hindi makakatanggap ng benepisyo ang mga dayuhan na kahit naninirahan sa Italya ng higit sa sampung taon ngunit walang ‘carta di soggiorno’ at permesso di soggiorno lamang ang hawak.

Sa puntong ito, ang Constitutional Court sa pamamagitan ng sentensya 50/2019 ay itinalagang lehitimo ang requirement ng nabanggit na dokumento. Ngunit marami ding pending cases na iaakyat sa European Court of Human Rights. 

Gayunpaman, maaaring mag-aplay ng benepisyo ang mga mamamayang dayuhan o refugees o mga asylum seekers o may international protection status.

Obligadong pananatili sa Italya habang tumatanggap ng benepisyo

Mahalagang tandaan na ang Assegno Sociale ay isang pansamantalang benepisyo at maaaring isuspinde o tanggalin kung hindi na makakatugon sa mga requirements na hinihingi ng batas. Partikular:

  • Ang benepisyo ay mahihinto o isususpinde kung ang tumatanggap nito ay nasa ibang Italya ng higit sa 29 na araw;
  • Ito ay tuluyang ititigil matapos ang suspension ng isang taon

Sahod: ang limitasyon at paano ito kakalkulahin

Ang aplikante ay kailangang walang sahod o kung mayroon man ay mas mababa kaysa sa itinalaga ng batas. Ito ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng Circular 148/2020 ng Inps na may petsang December 18, 2020. Upang matanggap ang benepisyo ay kailangang:

  • Ang sariling sahod ay mas mababa sa € 5,983.64 sa isang taon,
  • O kung may-asaw, ang sahod ay mas mababa sa € 11,967.28,

Ang assegno sociale, na ang halaga kada buwan ay € 460,28 sa loob ng 13 buwan, ay matatanggap ng buo kung ang Italyano, Europeo o dayuhan ay walang natatanggap na anumang sahod. Habang, matatanggap naman ang dipirensya ng halaga ng assegno sociale at ang halaga ng sahod na natatanggap, kung ito ay mas mababa sa itinalaga ng batas. 

Hal. 1: Ang isang single na may sahod na €2000 sa isang taon, ay makakatanggap ng € 3,983.64 sa isang taon. Samakatwid: 5,983.64 – 2,000 = € 3,983.64

Hal 2: Ang matandang may-asawa na tumatanggap ng kabuuang sahod na € 7000. Ang kanyang asawa ay nag-aplay ng assegno sociale at makakatanggap ng € 4,967.28 sa isang taon. Samakatwid 11,967.28 – 7,000 = 4,967.28

Hindi kasama sa kalkulasyon ang mga:

  • TFR o anumang anticipo nito,
  • Pag-aaring bahay,
  • Indennità di accompagnamento,
  • Assegno vitalizio 
  • Arrears sa trabaho sa ibang bansa

Paano gagawin ang aplikasyon

Ang aplikasyon ay isusumite lamang online, gamit ang SPID. Maaari ding lumapit sa mga Patronati.

(ni: Avv. Federica Merlohttps://stranieriinitalia.it/normativa-immigrazione/assegno-sociale-i-requisiti-e-come-richiederlo-la-guida-dellesperto/)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Volunteers selection ng Servizio Civile Universale hanggang February 8, 2021

Labanan ang Stress sa Panahon ng Pandemya Ako Ay Pilipino

Labanan ang Stress sa Panahon ng Pandemya. Narito kung paano.