in

Assegno sociale o welfare benefit, Ano ito? Sino at paano ang tumanggap nito?

Ako ay isang Pilipino, ako ay nagta-trabaho sa Italya, ngunit kadalasan ay hindi regular ang aking trabaho o hindi ito naka report sa INPS kaya wala akong sapat na kontribusyon para sa pagreretiro. Halos 65 taong gulang na ako, mayroon ba akong karapatang makakuha ng tinatawag na ‘assegno sociale’ o  welfare benefits? Ano ang mga kondisyon at paano mag-apply upang makakuha nito?

altRome – Ang‘assegno sociale’ o welfare benefit ay tumutukoy sa isang ekonomikal na benepisyo mula sa INPS. Ito ay isang halaga na ibinibigay ng local social security bilang tulong at suporta sa mga mamamayan na walang sapat na mapagkukunang pinansiyal.

Upang makakuha ng benepisyong ito, hindi kinakailangang nakabayad o naka-kumpleto ng kontribusyon. Makakatanggap lamang nito ang sinumang may sapat na kwalipikasyon. Dapat ring tandaan na ito ay hindi pang habambuhay at ibinibigay lamang habang kawlipikado ang aplikante.

Ang mga kinakailangan sa pag-aplay ng welfare benefit:
• hindi bababa sa 65 taong gulang;
naninirahan sa Italya sa hindi bababa sa sampung taon (hanggang 2008 ay sapat ng opisyal na nakarehistro sa Register ofiice)
• ganap na walang kita o mayroong kita na mas mababa sa halagang itinakda ng batas.

Para sa taong 2011,  maaaring mag-apply sa benepisyo, ang sinumang kumikita ng hindi lalampas sa halagang 5,424.90 euros bawat taon, na tumaas sa halagang 10,849.80 euros para sa mga may asawa.
Ang lahat ay maaaring mag-apply upang makakuha ng benepisyo, kahit hindi mga Italyano. Para sa mga EU national, sapat na ang sampung taong residente sa Italya, habang ang mga non- EU nationals ay nararapat ang pagkakaroon ng EU long term residence permit o ang dating carta di soggiorno.

Ang aplikasyon

Ang aplikasyon ay dapat na isumite sa tanggapan ng INPS. Ang form ng aplikasyon ay maaaring ma-download sa website ng INPS (www.inps.it) sa seksyon ng form (modulistica). Sa sandaling nakumpleto na ang form, maaari itong dalhin sa tanggapan ng INPS o maaaring ipadala sa pamamagitan ng isang registered mail with return card o maaaring sa pamamagitan ng mga tanggapan ng public office assistance o Patronato na nagbibigay ng libreng serbisyo.

Sa aplikasyon ay dapat na naka-attach, pati isang kopya ng dokumentong personal, kopya ng carta di soggiorno, isang self-certification ng pagiging residente sa Italya at isang deklarasyon ng kita o sahod na natanggap (kabilang ang anumang kita o sahod  at pensyon na tinatanggap sa sariling bansa).

Ang halaga

Ang halaga ng benepisyo ay nagbabago bawat taon. Para sa taong 2011 ay nagkakahalaga ng  417.30 euro bawat buwan na ibinibigay sa loob ng 13 buwan.
Gayunpaman, kung ang aplikante ay may iba pang kita (pensyon sa sariling bansa, kompensasyon mula sa Italya o mula sa ibang bansa) ang halaga ay magiging mas mababa dahil ibabawas ang halaga ng pensyon na nakukuha sa sariling bansa mula sa halagang nakatalaga para sa taong kasalukuyan.

Ang benepisyo ay magsisimula sa 1 araw ng susunod na buwan matapos isumite ang aplikasyon, samakatuwid, kung ang aplikasyon ay inumpisahan  makalipas ang limang buwan halimbawa, ang INPS ay ibibigay din sa aplikante ang naunang apat na buwan.

Ito ay maaaring ipagkaloob ayon sa kahilingan ng aplikante; maaaring sa pamamagitan ng bank account o post office.

Ito rin ay isang uri ng pansamantalang benepisyo, na nangangahulugan na matatanggap lamang habang kwalipikado ang aplikante.

Sa katunayan, bawat taon, sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hunyo, ang mga tumatanggap ng welfare benefit, sa pamamagitan ng isang angkop na form ay nararapat na ideklara ang mga pagbabago sa halaga ng kita o kung lumabas ng bansa at kung na-hospitalized sa isang publikong ospital.

 

PAALALA: Ito po ay ang assegno sociale o welfare benefit at naiiba sa contribution-based benefittulad ng pension, disability and survivor benefits na nabanggit sa naunang artikulo ukol sa Portability of Pension from Italy to Philippines (https://www.akoaypilipino.eu/gabay/portability-of-pensions-from-italy-to-the-philippines).

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFWs HANDBOOK-GUIDE LAUNCHED, DISTRIBUTED

CARE GIVERS: dumami ng 25% sa huling limang taon