in

Assegno Unico per i figli a carico, narito ang mga dapat malaman

Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro noong June 4, 2021, ang isang dekreto upang masimulan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga pamilya na tinatawag na Assegno Temporaneo. Ito ay para sa unang anim na buwan simula sa July 2021 hanggang December 31, 2021 bilang transitional period, bago tuluyang matanggap ang Assegno Unico e Universale simula January 1, 2022.

  1. Para sa mga anak ng mga mayroong partita IVA o self-employed at mga unemployed. 
  2. At karagdagang halaga naman para sa mga anak ng mga lavoratori dipendenti na nakakatanggap na ang assegni familiari. 

Ito ay isang magandang balita para sa mga self-employed at unemployed dahil hanggang sa kasalukuyan ang mga nabanggit na sektor ay walang natanggap na tulong mula sa gobyerno sa pagpapalaki ng mga anak. 

Ang assegno temporaneo ay maaari ring matanggap kahit tumatanggap na ng reddito di cittadinanza at ang halaga ng benepisyo ay batay sa halaga ng ISEE.

Anu-ano ang requirements sa pagtanggap ng bagong Assegno?

Ang bagong assegno ay matatanggap mula July 1, 2021 ng mga self-employed at unemployed at ng mga hindi tumatanggap ng unemployment benefit. 

Ang aplikante ay kailangang makakatugon sa mga sumusunod na requirements:  

  • Mamamayang Italyano o ng State Member ng European Union, o miyembro ng pamilya nito, Non-Europeans na mayroong permesso di soggiorno per lungo soggiornanti o mayroong permesso di soggiorno per motivi di lavoro o di ricerca na balido ng hindi bababa sa anim na buwan;
  • Nagbabayad ng buwis sa Italya;
  • Residente at naninirahan kasama ang dependent na anak o ‘a carco’ sa Italya sa panahon ng pagtanggap ng benepisyo;
  • Residente sa Italya ng dalawang taon, 
  • Balidong ISEE, na ang halaga ay hindi lalampas sa 50,000 euro.

Sinu-sino ang makakatanggap ng Assegno Unico? 

Maaaring matanggap ang assegno temporaneo simula July 1, at sa mga susunod na taon ng mga sumusunod: 

  • Mula ika-pitong buwan ng pagbubuntis hanggang sa ika-18 taong gulang ng anak. Ang halaga ay nadadagdagan mula sa ikatlong anak;
  • Mula 18 anyos hanggang 21 anyos, sa pagkakaroon ng mga itinakdang kundisyon: Kung ang anak ay nag-aaral sa unibersidad o may tirocinio o internship, o bahagi ng servizio civile universale. Ang assegno ay posibleng direktang matanggap ng anak kung nakatala sa Centro per l’impeigo at naghahanap ng trabaho;
  • Ang mga children with disabilities ay may karapatan sa mas malaking benepisyo, batay sa antas ng disabilities, hanggang 21 ayos.

Ang halaga ng Assegno Unico

Ang halaga ng assegno unico, simula sa Hulyo 2021, ay magkakaroon ng bahagyang pagtaas kada buwan para sa mga tumatanggap na ng assegni familiari, katumbas ng € 35,00 bawat anak, hanggang dalawang anak at € 55,00 bawat anak para sa pamilya na mayroong 3 anak pataas. 

Para sa huling anim na buwan ng taong 2021, ang mga self-employed at unemployed, ay makakatanggap ng halagang mula € 50,00 hanggang € 217,00, batay sa halaga ng ISEE 2021.

Ang halagang ito ay madadagdagan ng 30% kung:

  • Ang pamilya ay mayroong dalawanga anak;
  • Sa kasong ang menor de edad na anak ay may disabilities.

Paano mag-aaplay ng Assegno Unico

Upang matanggap ang Assegno ay kailangang mag-aplay sa Inps matapos maihanda at maging aktibo ang proseso, hanggang June 30, 2021. Para sa mga aplikasyon na isusumite hanggang Sept 30, 2021, ay maaaring matanggap ang mga ‘arretrati’ simula July 2021. Gayunpaman, kailangang hintayin ang paglabas ng implementing rules and guidelines upang matiyak ang paraan at panahon ng pag-aaplay.

Sa pagpapatupad ng Assegno Unico e Universale sa January 2022 ay unti-unting aalisin ang mga sumusunod:

  • assegno al nucleo familiare con almeno tre figli minori,
  • assegno di natalità o bonus bebè,
  • bonus mamma di 800 euro,
  • fondo di sostegno alla natalità,
  • l’assegno familiare in busta paga,
  • le detrazioni per figli a carico.

 (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4.5]

Abruzzo, Liguria, Umbria at Veneto sa zona bianca

June 7, ano ang pagbabago sa oras ng curfew sa Italya?