in

Autocertificazione, narito kung paano ito sasagutan

Autocertificazione paano sasagutan Ako ay Pilipino

Ang Autocertificazione ay muling nagbabalik bilang mahalagang dokumento sa panahon ng Kapaskuhan. Ito ay bahagi ng mga restriksyon at kailangang gamitin sa ilalim ng Decreto Natale

Ang Autocertificazione ang magpapatunay ng dahilan na pinahihintulutan ng batas sa tuwing lalabas ng bahay.

Basahin din:

Mahalagang tama at wasto ang isasagot sa Autocertificazione. Ang hindi wasto, mali at sinasadyang hindi pagsusulat ng katotohanan sa deklarasyon ay pinaparusahan ng batas.

Basahin din:

Narito ang isang sample kung paano sasagutan ang Autocertificazione

Mangyaring markahan ang ‘comprovate esigenze di lavoro‘ kung trabaho ang dahilan ng paglabas ng bahay. Markahan ang ‘motivo di salute‘ kung ang dahilan ay kalusugan. At ‘altri motivi‘ para sa ibang dahilan na pinahihintulutan, tulad ng pagsisimba at pagbisita o pagpunta sa bahay ng kamag-anak o kaibigan.

Pagkakaiba ng residenza at domicilio

Tandaan na ang residenza ay ang legal address na nasasaad sa mga balidong dokumentong hawak. Samantala ang domicilio naman ay ang lugar kung saan naninirahan kahit hindi ito ang legal address o residenza. 

Narito ang link, para sa blangkong form ng Autocertificazione.

(Pia Gonzalez-Abucay)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zona rossa, ang mga commercial activities na magbubukas sa publiko

UK variant, Brazil variant at South Africa variant Ako Ay Pilipino

Bagong variant ng Covid19, mas madaling mahawa ang mga kabataan at bata