in

Autodichiarazione ng mga Pilipinong babalik sa Italya, narito kung paano sasagutan

Ayon sa pinakahuling update ng Ministry of Foreign Affairs sa website nito noong July 16, 2020, nananatiling kinakailangang gawin ang Autodichiarazione o Selfdeclaration ng lahat ng mga papasok sa bansang Italya, Italyano man o dayuhan, kabilang ang mga Pilipino.

Ito ay isang pirmadong dokumento kung saan idinideklara ng isang Pilipinong bumalik sa Italya ang mga sumusunod: 

  1. Alam ang mga ipinatutupad na preventive measures sa bansa upang labanan ang pagkalat ng Covid19, partukular ang nasasaad sa DPCM ng May 17, 2020;
  2. Hindi sumasailalim sa obbligatory quarantine at hindi positibo sa Covid19;
  3. Idedeklara din na nagmula sa Pilipinas, ang airlines at flight number;
  4. Idedeklara kung saan nanatili o nag-stop over sa huling 14 na araw;
  5. Ang ikalima sa deklarasyon ay pipiliin ang letrang L
  6. Ang ika-anim ay lampasan. Ito ay para sa mga miyembro ng pamliya ng mamamayang Europeo at mula sa mga bansang Algeria, Australia, Canada, Georgia, Japan, Morocco, New Zealand, Rwanda, Republic of Korea, Thailand, Tunisia, Uruguay; 
  7. Idineklara na ang dahilan ng pagbalik sa Italya ay ‘rientro all propria residenza/abitazione’.
  8. Dito ay dinedeklara na sasailalim sa 14 days fiduciary isolation at kailangang isulat ang kumpletong address kung saan ito gagawin. 
  9. Dito ay idedeklara ang direktang pag-uwi mula sa port of re-entry sa address kung saan gagawin ang fiduciary isolation pati ang pribadong sasakyan, ang plate number nito at ang pangalan ng driver.
  10. Ang telephone number na maaaring tawagan sa panahon ng fiduciary isolation at health survelliance.

Ang Autodichiarazione ay maaaring hingin ng airlines sa Pilipinas, sa oras ng check-in at sa document control sa Immigration, pagdating sa Italya.  

Bukod sa Autodichiarazione, ipinapayong maghanda ang mga Pilipinong babalik sa Italya ng Health Certificate kung saan nasasaad na nasa magandang kundisyon ang katawan, walang anumang sintomas ng Covid19, hindi nabibilang sa listahan ng mga PUM o Persons Under Monitoring at walang anumang history of exposure to a suspected covid19 person.

Para sa health surveillance ay kailangang ipaalam ang pagbabalik sa Italya sa Servizio d’Igiene e Sanità Pubblica ng ASL na kinabibilangan.  Maaaring tawagan ang Medico di Base para sa karagdagang impormasyon.

Makalipas ang 14 na araw na fiduciary isolation ay maaaring magpa-test, ang test Sierologico. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng Assegno per il Nucleo Familiare 2020-2021

Regularization: Maaari bang pirmahan ang contratto di soggiorno kung expired ang pasaporte?