in

Back to the Future, ang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration

Ako Ay Pilipino
Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang dapat gawin.

 Ang ‘Back to the Future’ ay isang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration na pinondohan ng Ministry of Interior. Narito kung sino at kung paano mag-aplay. 

 

Ang “Back to the Future” ay isang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration o Ritorno Volontario Assisttito e Reintegrazione (RVAR) na sumasaklaw sa boluntaryong pagbabalik sa sariling bansa ng mga migrante. Layunin ng programa na tumulong sa mga third country nationals, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa pagsasakatuparan ng Individual Reintegration Project o Piano Individuale di Reintegrazione (PIR) sa sariling bansa. Ang programa ay pinamamahalaan ng GUS o Gruppo Umana Solidarietà at pinondohan ng Ministry of Interior, partikular sa ilalim ng Obiettivo 3 – Fondo Asilo, Migrazione e Integrazione FAMI 2014-2020

Maaring mag-aplay ang mga sumusunod sa nabanggit na proyekto:

  • mga third country nationals na walang regular na permit to stay, kabilang ang mga disqualified asylum seekers at mga nakatanggap ng expulsion order; 
  • mga third country nationals na mayroong regular na permit to stay, kabilang ang mga mayroong international protection at humanitarian status at mga asylum seeker. Sa ganitong mga kaso, ay iiwanan ang balidong permit to stay bago tuluyang lisanin ang bansa.

Napapaloob sa programa ang sumusunod:

  • Gastusin sa pag-uwi sa sariling bansa o ang airfare
  • Bureaucratic expenses
  • 400 euros pocket money
  • 2000 euros reintegration grant kada tao. Sa kasong isang pamilya ang aplikante, 50% (1000) ng halaga ang para sa anak na 18 anyos at 30% (600) naman para sa menor de edad para sa pagsasakatuparan ng individual reintegration project ng anim na buwan sa sariling bansa. 

Paano mag-aplay? 

Maaaring magpadala ng email sa rimpatri@gus-italia.org o tumawag sa numero (+39) 371 1124916 mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. 

Maaari ring makipag-ugnayan sa Enfid Italy na katuwang ng Focal Point nazionale sa Roma. 

Pipirmahan ang form RVAR para sa pormal na pag-aaplay. Susuruin ang aplikasyon at sa kasong positibo o tanggap ito ay susunod ang isang interview para gawin ang Piano Individuale di Reintegrazione o Individual Reintegration Project. Ito ay ang isang proyekto sa muling pagsisimulang mamuhay sa sariling bansa kung saan inilalaan ang tulong pinansyal na napapaloob sa proyekto. Sa bahaging ito ay mayroong counseling para sa anumang tulong na kakailanganin. 

Susunod ay ang pagsasa-ayos ng mga dokumentasyon tulad ng travel document at nulla osta al RVAR.

Isang local partner sa Pilipinas, ang Centro Filipino for Returning Migrants (CF4RM), ang mag-aassist sa aplikante sa anime (6) na buwang pagsasakatuparan nito at may obligasyong makipag-ugnayan sa Italya . 

Ang proyekto ay nakatakdang magtapos sa Marso 2018

 

PGA 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Romy, muling nagbalik sa Pilipinas sa tulong ng “Back to the Future” project

Decreto flussi 2017, itinalaga at hinati ang unang bahagi sa mga rehiyon at probinsya