in

Bagong pamantayan sa italian citizenship

Sa batas ng seguridad n. 94/2009, ipinatupad noong ika-8 ng Agosto, ipinakilala ang pinakamahahalagang pagbabago tungkol sa citizenship (n. 91/1992), mas komplikadong proseso sa pag-acquire nito. Narito ang mga pagbabago:                                                                  

Italian Citizenship sa pamamagitan ng kasal
                                                                                        
Ang isang dayuhan o refugee na magpapakasal sa isang mamamayang italyano ay maaaring mag-acquire ng italian citizenship kung matapos ang kasal ay legal na naninirahan sa Italya sa loob ng dalawang taon o kaya’y makalipas ang 3 taon mula sa araw ng kasal kung ang residensya ay sa labas ng bansa. Ang grant entitlement for citizenship ay tatanggapin kung ang mag-asawa ay napatunayang legal na nagsasama at walang patlang ang panahon ng pagsasama. Pinapayagan ayon sa bagong batas na paiigsiin ang panahon kung ang mag-asawa ay may anak o may ampon.  
                                       
Ang bagong nilalaman ng art. 5 Law 91/1992 ay nagsasaad na:
 
– ang pagpapahaba sa panahon ng legal residency in Italy na mula sa anim na buwan hanggang dalawang taon mula sa petsa ng kasal; 
                                                                                         
– ang pananatiling kasal hanggang sa maaprubahan ang grant entitlement for citizenship. Kung sa panahon na pinag-aaralan ang aplikasyon, ang mag-asawa ay naghiwalay o mawalan ng bisa ang kasal (annullment or divorce), ang dayuhang asawa ay mawawalan ng karapatang maka-acquire ng italian citizenship at ang application ay mari-reject. 

– ang pagbawas sa panahon na nabanggit sa itaas ay kung ang mag-asawa ay may anak o ampon (isang taong legal residency at isang taon at kalahati kung resident sa labas ng bansa).                                                                                                                                                                                

Alituntunin na dapat ipatupad sa pag-aaplay ng italian citizenship subalit hindi pa inaaprubahan                  
 
Simula nang ang batas ay isakatuparan, naging problema kung alin sa mga atas ang dapat na ipatupad, hanggang sa kasalukuyan ay ipinatutupad pa rin ang dati ng alituntunin sa pamamagitan ng isang circular na ipinalabas ng Ministero dell’Interno noong ika-6 ng Agosto 2009, nagbigay ito ng paglilinaw na:      
                                                                                                                                                                                                                                                                                                      – dapat na ipatupad ang dating alituntunin  (ang mag-acquire ng italian citizenship matapos ang anim na buwan na legal residency in Italy matapos ang kasal) sa pag-aaplay ng italian citizenship sa pamamagitan ng kasal hanggang sa pagpapatupad ng batas (Agosto 8, 2009), na kung saan ang application ay nakapasok na ng dalawang taon at naghihintay na lamang ng approval. Ayon sa batas, ang aplikante ay may karapatang mabigyan ng itilian citizenship kung natugunan ang dalawaang taon mula sa araw ng request.

– dapat na ipatupad ang bagong alituntunin sa pag-acquire ng italian citizenship sa pamamagitan ng kasal kung ang application ay hindi pa umaabot sa two year term. Nangangahulugan na ang aplikante ay dapat sumunod sa iniuutos ng bagong batas (dalawang taong legal residency matapos ang kasal o isang taon kung may anak o ampon), base sa verification ng mga dokumento na isinumite.

Mga dokumentong hindi pwedeng patunayan sa pamamagitan ng sulat

Sa bagong batas na ipinatutupad (art. 9 bis) tungkol sa acquisition of citizenship, kasal man o residency, dapat na ilakip ang lahat ng mga dokumentasyong hinihiling tulad ng family composition, residence certificate, ecc.

Ang mga ito’y hindi maaaring  i-self-certify kahit mismo ng mga europeans (ayon sa dating atas ng citizenship law).                                                                                    

Acquisition of italian citizenship sa pamamagitan ng permanenteng residensya                                                                      

Sa circular noong ika-6 ng Agosto 2009, tiniyak ng Minsitero dell’Interno na:
– kung ang application for italian citizenship sa pamamagitan ng permanenteng residensya ay kasalukuyang nakaproseso, at kung ang aplikante ay hindi pa tinatawag para sa isang interview (ito’y kailangan para maverify ang kakayan sa kaniyang paninirahan sa Italya), kapag siya’y tinawag na para sa nasabing interview, dapat isumite ang mga orihinal na dokumento.   
– kung ang aplikante ay tinawag na para sa isang interbiyu, bago pa ang notice na nagsasaad ng grant entitlement for citizenship, dapat ipakita ang mga original documents.                                                                                            

Kontribusyong 200 euro
                                                                                                     
Isa sa mga bagong atas na may kinalaman sa batas 94 of 2009 ay ang pagbabayad ng kontribusyong 200 euro. Ito ay kasalukuyang ipinatutupad na para sa application for italian citizenship. Para sa pagbabayad, ang gobyerno ay nagbukas ng account number sa post office (conto corrente postale n. 809020) sa pangalan ng Ministero dell’Interno DLCI – cittadinanza”. Ang mga bollettini na gagamitin para sa pagbabayad ay makukuha sa Prefetture UTG at sa mga post office (poste italiane) na may Sportello Amico.
                                                                                                              
Mga dokumentong kailangan at kalakip sa bagong application                                                                  

In base alle predette disposizioni, quindi, per le nuove domande e per quelle pendenti per le quali ne è prevista la necessità, dovranno essere verificati i requisiti di legge acquisendo, oltre ai tradizionali documenti originali (certificato di nascita e certificato penale debitamente tradotti e legalizzati) la relativa documentazione riguardante:
Ayon sa mga nasabing mga kautusan, ang mga dokumentong isusumite ay dapat orihinal at ito’y pag-aaralan kung ang aplikante ay nakatupad sa inaasahan ng batas. Bukod sa sa original traditional documents na live of birth certificate at NBI clearance translated and legalized, ang mga sumusunod ay dapat na ipresenta:  

Requirements para sa pag-aplay ng italian citizenship sa pamamagitan ng kasal
– Regular legal residency (registration sa anagrafe at permesso di soggiorno) patunay na naninirahan ng legal sa Italian territory matapos ang kasal;
– NBI clearance and current charges (certificato del casellario giudiziale e dei carichi pendenti);
– Family composition na nagpapatunay na kasama ng mag-asawa ang anak o ampon

Requirements para sa pag-aplay ng italian citizenship sa pamamagitan ng residensya
– Regular legal residency (registration sa anagrafe at permesso di soggiorno) sa loob ng panahong panukala ng batas;
– Family composition
– NBI clearance and current charges (certificato del casellario giudiziale e dei carichi pendenti).

(Liza Bueno-Magsino)
Source:
www.stranieriinitalia .it

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Forum: muling nagbalik at nagsama-sama mga Filcom leaders sa Roma

“Battle of the Champion Singing Contest sa Viareggio Paunang Hataw ng PIFAT”