in

Bagong website ng Inps, narito kung paano magbayad ng kontribusyon

Ang bagong website ng INPS ay inilarawang mas madaling gamitin sa kabila ng pagiging moderno nito.

 

Abril 18, 2017 – Sa kabila ng mas madaling gamitin ang bagong website ng Inps, hindi maiiwasan ang maligaw o ang mahirapan sa unang pagkakataon, partikular sa pagbabayad ng kontribusyon.

Sa home page ng bagong website ay kailangang mag-log in sa Entra I MyINPS. Samakatwid, gamit ang sariling tax code at PIN. 

Sa puntong ito ay magbubukas ang isang welcome page na maaaring gawing personalized sa pamamagitan ng pagdadagdag o pagbabawas ng mga ‘section’ o ‘page’ na matatagpuan dito, sa pamamagitan ng Gestisci Widget. 

Ngunit upang matagpuan ang bahaging nais para sa pagbabayad ng kontribusyon, ay kailangang magpunta sa Trova il servizio > Versamento online dei contribute dei lavoratori domestici > Login. Pagkatapos ay piliin ang Datori di Lavoro Domestico, Famiglia > Pagamento Lavoratori Domestici > Nuovo pagamento> Attivi.

Piliin ang nais bayaran at i-click ang Avanti. Sa pagbabayad ng kontribusyon ng Cassacolf, ay kailangang i-click ang Quota Associativa at pagkatapos ay ang Fondo colf.  Ilagay pagkatapos ang babayarang kontribusyon (ang oras na babayaran X € 0.05) at i-click ang Avanti. 

Sakaling magkaroon ng pagkakamali at lumabas ang ‘errore interno’, ay may posibilidad na bumalik sa dating proseso. 

Trova il servizio  > Versamento online dei contributi dei lavoratori domestici > Accedi a

Pagkatapos ay piliin ang Portale dei pagamenti matapos magbukas ng isang window at matatagpuan ang lumang pahina ng nakasanayang proseso. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Minniti, narito ang nilalaman

FEDFAP, Progressive Pursuit To Serve