in

Balik Manggagawa Online Processing System, narito kung paano

Ang Balik Manggagawa Online Processing System ay inaasahang magiging malaking tulong para sa mga Overseas Filipino workers dahil gagawing mas maginhawa ang pag-proseso sa Overseas Employment Contract (OEC) o exit pass. 

 

 

Ang paglulunsad ng Balik Manggagawa Online Processing System ng POEA ay inaasahang magiging malaking tulong para sa mga Overseas Filipino workers dahil gagawing mas mabilis at mas maginhawa ang pag-proseso sa Overseas Employment Contract (OEC) o exit pass.  

Gayunpaman, ipinapa-alala na ang online service ay nakalaan sa mga magba-bakasyong Overseas Workers, babalik sa parehong employer at may record na sa database ng POEA.

Samakatwid, para sa mga Pilipino sa Italya kung saan ipinatutupad ang MC 13 at kwalipikado sa pribiliheyong exemption sa pagbabayad ng travel tax at terminal fee sa pagkakaroon ng OEC ay maaaring gamitin ang sistema on line kung saan maaaring mag-register at maka-pili ng araw at oras ng appointment kung kailan maluwag ang schedule .

Nangangahulugan na kung newly registered Ofw o bagong dating sa Italya at magta-trabaho sa unang pagkakataon lamang ay maaaring gamitin ang sistema na magpapahintulot na kumuha ng appointment na magpapatuloy sa Verification and Authentication of Employment sa tanggapan ng Polo Owwa. 

Narito ang step-by-step registration procedure sa Balik Manggagawa Online Processing System:

1. Magtungo sa www.poea.gov.ph. Sa homepage ay magtungo sa BMOnline.ph.

2. Mag-register bilang new user kung wala pang online account. Huwag kaligtaang i-check at tanggapin ang Terms of Service. PAALALA: Ang email address ay personal at maaaring gamitin ng isang beses lamang. Nangangahulugan na ang mga miyembro ng isang pamilya (maaaring mag-ina o mag-ama o mag-kapatid, ay hindi maaaring gumamit ng parehong email address).

3. Ang POEA ay magpapadala ng confirmation message sa pamamagitan ng email kung saan makikita ang isang link. Puntahan ang link na ito upang makapag-log in sa BM website gamit ang username at password.

4. Ilagay ang last issued OEC number. Samantala, kung bagong Balik Manggagawa, piliin ang link para sa isang appointment online.

5. Ilagay ang mga personal datas. Obligadong sagutan ang mga sumusunod:

  • Pangalan
  • Numero ng pasaporte
  • Passport expiration date
  • Visa validity date
  • Petsa at lugar ng kapanganakan
  • Status Civil at kasarian
  • SSS Number
  • Philhealth Number
  • Pagibig Number
  • Telepono, numero ng mobile at email address
  • Buong pangalan ng Ina (maiden)
  • Pangalan ng asawa

6. Kung tama lahat ang inilagay na impormasyon, i-click ang SAVE. Maaari ring itama ang mga datos kung mayroong ilang pagkakamali.

7. Isulat ang mga detalye ng employment contract tulad ng:

  • Pangalan ng Employer 
  • Company Bansa ng Employer 
  • Company Address, numero ng telepono at email address
  • Suweldo
  • currency
  • salary period (buwanang atbp)
  • Posisyon 
  • contract duration
  • Last Departure date (o petsa ng huling pagbalik sa Pilipinas)
  • Last Arrival date (o petsa ng huling paglabas ng Pilipina)

8. Ilagay ang pangalan ng mga legal beneficiaries at qualified dependents

9. Ilagay ang flight schedule. PAALALA: Siguraduhin na ang pasaporteng hawak ay balido ng hindi bababa sa anim na buwan mula sa petsa ng departure.

10. Piliin ang schedule ng appointment. Siguraduhing makakapunta sa piniling araw at oras.

11) Buksan muli ang email at hanapin ang email ng POEA kung saan nasusulat ang mga requirements na dapat dalhin sa tanggapan ng Polo sa Roma o Milan. I-print ang form na lakip sa email at dalhin ito sa araw ng appointment.

Ipinaaalala sa lahat na ang tanggapan sa Polo sa Roma ay bukas sa mga mayroong appointment online. Mangyaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa karagdagang impormasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Undocumented sa Italya, flussi o regularization? Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

General discussion ng reporma sa citizenship, tapos na