Kahit sa taong 2021 ay makakatanggap pa rin ang mga pamilya ng bonus asilo nido 2021. Ito ay bilang refund sa ginastos ng pamilya sa asilo nido o sa assistenza domiciliare sa kasong hindi maaaring makapasok sa asilo nido dahil sa kalusugan at ito ay pinatutunayan ng sertipiko ng pediatrician.
Sinu-sino ang maaaring mag-aplay ng bonus
Maaaring makatanggap ng bonus ang mga mamamayang Italyano, Europeans at mga dayuhang residete sa Italya na mayroong regular na permesso di soggiorno.
Ang aplikasyon ay dapat na isumite ng magulang na nagbabayad ng asilo nido.
Kinakailangan ang convivenza o pagiging magkasama sa tirahan ng menor de edad at ng magulang na aplikante para sa reimbursement para sa assistenza domiciliare.
Paano at kailan isusumite ang aplikasyon
Ang aplikasyon ay maaaring isumite hanggang Disyembre 31, 2021, sa pamamagitan ng isang angkop na e-form sa website ng Inps. Para sa access sa nasabing website ay kailangang ang SPID. Maaari ring lumapit at mag-aplay sa mga patronati.
Kailangang ibigay ang mga impormasyon ukol sa asilo nido na pinapasukan ng anak (pangalan at partita iva) at sa kasong ito ay pribado, ay kailangang ibigay din ang detalye ng dokumento na nagpapahintulot sa operasyon nito.
Tandaan: Maaaring ilakip ang resibo hanggang April 1, 2022.
Kailan nawawala ang karapatan sa pagtanggap sa bonus at ano ang dapat gawin?
Ang karapatang matanggap ang bonus ay nawawala sa pagkawala ng pagkamamamayan, pagkamatay ng aplikanteng magulang, pagtatanggal ng custody sa menor de edad ng aplikanteng magulang.
Sa ganitong kaso, ay maaaring saluhin ng isang magulang ang pagtanggap ng benepisyo sa loob ng 90 araw.
Magkano ang dapat matanggap ng magulang. Paano ito kinakalkula?
Ang halaga ng bonus ay itinatalaga batay sa ISEE minorenni, ang indicator na karaniwang ginagamit bilang sanggunian para sa pagtanggap ng mga social services na nakalaan para sa mga menor de edad na ang magulang ay hindi kasal o hindi nagsasama, o single parent.
Isinasaalang-alang ng ISEE minorenni ang kalagayan ng single parent upang matukoy kung nakakaapekto ito sa ISEE ng pamilya ng menor de edad.
Mga halaga:
- € 3,000 (€272,72 kada buwan) para sa mga mayroong ISEE minorenni na katumbas o mas mababa sa € 25,000;
- € 2,500 (€227,27 kada buwan) para sa mga mayroong ISEE minorenni mula € 25,000 hanggang €40,000;
- € 1,500 (€ 136,37 kada buwan) para sa mga mayroong ISEE minorenni na mas mataas sa € 40,000;
Matatanggap ang bonus ng buwanan at lump sum naman para sa pagtanggap ng bonus para sa assistenza domiciliare.
Paraan ng pagtanggap ng bonus
Maaaring piliin ang paraan ng pagtanggap ng bonus sa sariling bank account o postal account at maaari din:
- sa pamamagitan ng bonifico domiciliato (serbisyo ng post office ng Italya para sa mga walang kasalukuyang account);
- sa libretto postale;
- Prepaid card na may Iban code;
- sa pamamagitan ng Iban ng isang bangko sa lugar ng SEPA (sa labas ng EU).
Narito ang isang tutorial video na nagtataglay ng mga impormasyon at mga hakbang sa pagsusumite ng application:
ni: Avvocato Federica Merlo, para sa Stranieri in Italia