in

Bonus Bebè 2017

Ang bonus bebè ay isang uri ng allowance na ibinibigay sa bawat sanggol na ipinanganak o inampon mula 2015 hanggang 2017. Narito kung paano mag-aplay at kung paano ang renewal nito.

 

 

Ang bonus bebè ay kilala rin sa tawag na assegno di natalità ay isang uri ng allowance na ibinibigay sa bawat sanggol na ipinanganak o inampon mula Jan 1, 2015 at Dec 31, 2017 batay sa artikulo 1, talata mula 125 hanggang 129 ng Stability law 2015 (legge dec 23 2014 n 190). 

Ang halaga ng tulong pinansyal para sa mga pamilya, tulad sa nakaraan, ay  batay sa halaga ng ISEE sa taon ng aplikasyon: 

960 euros sa isang taon o 80 euros kada buwan kung ang halaga ng ISEE ay mas mababa sa 25,000 euros; 

1920 euros sa isang taon o 160 euros kada buwan kung ang halaga ng ISEE ay hindi lalampas sa 7,000 euros.

Ang allowance ay matatanggap mula sa kapanganakan ng sanggol o mula sa pagiging bahagi ng pamilya ng bata sa pamamagitan ng adoption o custody hanggang sa ikatlong taong gulang ng bata o hanggang ikatlong taon ng pagiging bahagi ng pamilya ng inampong bata.

Sino ang maaaring mag-aplay?

Tulad sa unang dalawang taon, ang Bonus Bebè ay nakalaan sa mga magulang na Italians, Europeans at mga non-Europeans. Ang huling nabanggit, sa kabila ng Batas ng Europa, ay kinakailangang mayroong EC long term residence permit o ang kilalang carta di soggiorno o mayroong refugee o humanitarian protection status.

Anu-anu ang mga requirements? 

– Residente sa Italya

– Kasamang naninirahan ang bata (ang anak at ang aplikanteng magulang ay kailangang naninirahan sa parehong tahanan at lugar)

– ISEE

ISEE Renewal

Sa renewal ng aplikasyon ay kailangang muling magsumite ng Dichiarazione Sostitutiva Unica o DSU batay sa D.P.C.M. n. 159/2013. Mahalagang sa nabanggit na dokumentasyon ay nasasaad rin ang pangalan ng bata. Sa pamamagitan rin ng dokumentong ito ay makikita ang halaga ng ISEE.

Ang termino ng validity ng bawat DSU ay nakatakda hanggang January 15 lamang kada taon. Samakatwid, matapos ang petsang nabanggit ay hindi na ito balido at hindi na maaaring gamitin. 

Ipinapaalala na sa kawalan ng pagsusumite ng bagong DSU, ay mahihinto ang pagtanggap ng allowance hanggang hindi pa nagsusumite ng bagong ISEE. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa Inps online sa loob ng 90 araw mula sa kapanganakan ng sanggol o pag-aampon. Ito ay isang beses lamang isusumite sa pamamagitan ng:

• authorized office o patronati;

• Contact Center ng Inps (803164 mula langline o 06164164 mula mobile phones);

• online sa pamamagitan ng www.inps.it.

Para sa karagdagang impormasyon, i-click lamang ang link na ito. 

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italy Miss Universe Candidate Sofia Sergio, nahilo sa Governor’s Ball

Appreciation Night, handog ng PCG Milan