Narito kung paano mag-apply at anu-ano ang mga requirements.
Kahit ngayong taon ay maaaring mag-aplay ng bonus luce upang makatipid sa kuryente. Ito ay isang diskwento sa babayarang bill na nakalaan sa mga malaking pamilya at may mababang sahod. Ito ay balido ng 12 buwan at maaaring i-renew.
Ang bonus luce o energia ay nakalaan sa mga pamilya na mayroong ISEE na hindi lalampas sa € 8,107.50 at hindi lalampas sa € 20,000 naman para sa malaking pamilya o mayroong higit sa 3 anak na dependents. Bawat pamilya na mayroong requirements ay maaaring mag-aplay ng bonus.
Bukod dito, kung mayroong kasama sa bahay na may pisikal na kapansanan ay maaaring mag-aplay ng ‘bonus per disagio fisico’. Ito ay mayroong angkop na form na matatagpuan sa website ng Arera o Autorità di Regolazione per Energia Reti e Ambiente.
Maaaring mag-aplay ng bonus sa Comune na kinasasakupan o sa pamamagitan ng CAF.
Ang mga dokumentong kinakailangan ay ang sumusunod:
- Balding document. Ipinapayong ilakip ang permit to stay;
- Modulo A (para sa may mababang sahod)
- Modulo B (may pisikal na kapansanan)
- Balidong ISEE;
- Allegato CF kung saan nasusulat ang mga miyembro ng pamilya;
- Allegato FN para makilala ang malaking pamilya o mayroong higit sa 3 dependents
Bukod dito ay kailangan rin ang lahat ng impormasyon ukol sa bill at kontrata nito: ang codice POD, na nagsisimula sa IT, ang lakas ng enerhiya at ang halaga ng bayarin.
Paalala: Maaaring gamitin ang Modulo A sa pag-aaplay ng parehong bonus luce at bonus gas para sa mababang sahod ng pamilya. Sa paraang ito, isang form na lamang ang gagamitin sa parehong aplikasyon lakip ang kinakailangang dokumentasyon sa Comune o sa CAF.
Matapos isumite ay maaaring malaman ang sitwasyon ng aplikasyon sa pamamagitan ng:
- Pagtawag sa toll free number 800.166.654. Ibigay lamang ang codice ficslae ng aplikante at ang application number sa ibibigay ng resibo ng Comune o CAF.
- Sa pamamagitan ng www.bonusenergia.anci.it sa skesyon ng “Controlla on line la tua pratica”