Ang salitang caregiver at badante ay madalas na marinig bilang trabaho ng maraming Pilipino sa Italya. Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng marami, sa Italya, ang dalawang ito ay may magkaibang relasyon, tungkulin at obligasyon sa inaalagaan at sa kanilang tahanan. Samakatwid, ito ay tumutukoy sa dalawang magkaibang tao at tungkulin.
Caregiver at Badante: Narito ang mga Katangian at Pagkakaiba
Badante
Sa usapin ng trabaho, ang tungkulin ng badante ay nababatay Collective Contract ng domestic job. Depende sa uri ng serbisyo at sa task ng worker, ang badante ay maaaring makatanggap ng mga sumusunod na posisyon sa employment contract:
- BS: Walang formal formation sa pag-aalaga ng mga taong kayang mag-alaga sa sarili (self-sufficient);
- CS: Walang formal formation sa pag-aalaga ng mga taong hindi kayang mag-alaga sa sarili (non-self sufficient);
- DS: Mayrong formal formation sa pag-aalaga ng mgataong hindi kayang mag-alaga sa sarili (non self-sufficient).
Ang badante, maaring part timer o live-in, ay isang professional figure na maaaring mayroon o walang specialization certificate, na ang task o mansione ay mag-alaga ng mga taong hindi kayang mag-alaga sa sarili at mga gawaing bahay.
Ang tungkulin ng isang badante ay napakahalaga lalo na kung hindi kayang alagaan ng pamilya ang miyembro na nangangailangan ng aruga. Partikular, ang badante ay nagbibigay ng malaking tulong kapag ang inaalagaan ay nag-iisa sa bahay at nangangailangan ng tulong sa araw at gabi. Ang badante ay nagpapagaan sa bigat ng tungkulin ng pamilya at sinisigurado ang pag-aalaga sa taong hindi na kayang alagaan ang sarili.
Caregiver
Ang caregiver ay isang professional figure na kinikilala ng batas, na maaaring isang miyembro ng pamilya o kamag-anak na libre at boluntaryong nagbibigay serbisyo sa isa sa kasambahay hanggang second degree, ayon sa batas. Ang pag-aalaga ay dapat na hindi bababa sa 54 hours at ang inaalagaan ay kailangang may 100% invalidity.
Ang caregiver ay karaniwang tumutukoy sa isang miyembro ng pamilya na nag-aalaga sa isang miyembro ng pamilya na hindi kayang alagaan sa sarili. Depende sa antas ng relasyon sa inaalagaan, may iba’t ibang uri ng caregiver tulad ng eksklusibong caregiver, multiple caregiver, genitorial caregiver (magulang), filial caregiver (anak), at iba pa.
Ang caregiver ay maaaring humingi ng kompensasyon kung sya ay nag-alaga nang hindi bababa sa 6 na buwan at mayroong social security contribution na hindi bababa sa 30 taon. Bukod dito, ang isang caregiver ay maaaring humingi ng anticipated retirement sa edad na 63 taon na may 30 o 36 taon ng kontribusyon sa ilalim ng programang APE SOCIALE.