in

Carta Acquisti Alimentare 2023 – Narito ang mga dapat malaman

Carta Acquisti, ano ito at paano mag-aplay?
Carta Acquisti, ano ito at paano mag-aplay?

Kamakailan ay inaprubahan ng gobyerno ng Italya ang isang dekreto para sa pagpapatupad ng isang bagong ayuda para sa mga mamamayang may mababang kita para sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan.

Ito ay tinatawag na Carta Acquisti na inilathala sa Official Gazette noong Mayo 12 at nakatakdang magkabisa simula sa July 1. Ito ay pinondohan ng 500 milyong euro para sa 2023. Ang Carta Acquisti Alimentare ay makakatulong sa mahigit isang milyon at 300 libong beneficiaries na mayroong ISEE (Equivalent Economic Situation Indicator) na mas mababa sa €15,000.

Ang Carta Acquisti ay kumakatawan sa isang mahalagang tulong para sa mga mamamayang may mababang kita. Ito ay magpapahintulot sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan. Ang halagang € 382.50 ay inaasahang magpapabuti ng sitwasyon ng mga pamilyang nasa kahirapang pinansyal. 

Requirements ng Carta Acquisti 

Upang magkaroon ng Carta Acquisti, ang mga mamamayan ay dapat na residente sa Italya at kabilang sa mga pamilya na makakatugon sa mga requirements hanggang May 14, 2023. Ang lahat ng mga miyembro ay kailangang nakatala sa Anagrafe Comunale della Popolazione Residente at ang ISEE ordinario ay hindi lalampas sa €15,000 kada taon. Bukod dito, hindi maaaring benepisyaryo ng iba pang social help tulad ng Reddito di Cittadinanza at Reddito di Inclusione o Fondi di Solidarietà per l’Integrazione del reddito.

Ang halaga at ang gamit ng Carta Acquisti 

Ang halaga ng Carta Acquisti Alimentare ay nagkakahalaga ng € 382.50 at hindi kinakailangang mag-aplay upang magkaroon nito. Samakatwid, awtomatikong matatanggap ang Carta Acquisti ng mga makakatugon sa mga requirements. 

Gayunpaman, mahalagang magkaroon ng updated ISEE. Tandaan na ang Carta Acquisit ay maaari lamang gamitin para sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan at hindi maaaring gamitin para sa pagbili ng mga inuming may alkohol. Maaaring gamitin ang card sa lahat ng mga kasapi sa inisyatiba.

Carta Acquisti Allocation 

Hanggang June 15, ang INPS (National Social Security Institute) ay dapat magbigay sa mga omune ng mga listahan ng mga potential beneficiaries batay sa ISEE, kasama ang Operational Instruction. Ang bawat Comune ay bibigyan ng angkop na bilang ng mga cards, na kinalkula batay sa bilang ng populasyon ng mga residente at ang diperensya sa average salary ng mga residente ng Comune at ng average salary sa bansa. 

Ang pagbibigay ng Carta Acquisti, prepaid at rechargeable card, tulad ng Postepay, ay magaganap sa mga authorized post office. Ang mga card ay may pangalan at magiging aktibo simula July 2023. Mahalagang tandaan na kung ang mga Carta Acquisti ay hindi magagamit hanggang September 15, ang mga ito ay babawiin. Ang halagang natitira sa card ay ilalagay sa card ng ibang miyembro ng pamilya na regular na gumamit ng card sa mga nakaraang buwan.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Emilia Romagna, dumadanas ng matinding pagbaha at landslides 

Assegno Sociale, ang paglilinaw ng Inps ukol sa requirements 2023