in

CARTA ACQUISTI ORDINARIA ano ito at paano ito makukuha?

Ang Carta Acquisti Ordinaria ay ang nakalaang tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga may edad na 65 anyos pataas at mga magulang na may anak na menor de edad na 3 taon pababa. Alamin kung kwalipikado at paano mag-aplay nito. 

 

Ang CARTA ACQUISITI ORDINARIA ay isang prepaid card na naglalaman ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng 80 euros kada 2 buwan na maaring gamitin sa grocery bilang pambili ng pagkain o sa pharmacy para sa mga gamot. Ito ay magagamit ding pambayad ng bills (gas at ilaw) ngunit hindi magamit sa pagwi-withdraw ng cash. 

Ito ay nakalaang tulong ng gobyerno para sa mga may edad na 65 anyos pataas at mga magulang na may anak na menor de edad na 3 taon pababa. Ang mga imigrante ay nangangailangan na may CE Soggiorno o EC long term permit to stay para makapagsumite ng aplikasyon.  

Ang form ay maaring makuha sa posta o post office. Maaari ding i-download mula sa mga sumusunod na sites: www.mef.gov.it, www.lavoro.gov.it, www.inps.it, at www.poste.it.  Sa posta/post office naman isusumite ang aplikasyon at ang mga kinakailangang dokumento tulad ng ISEE at valid ID at carta soggiorno.

Ang mga kondisyong pinansyal na hinihingi ay ang sumusunod:

para sa 65 anyos pataas:

  • ISEE 2016 na mas mababa sa € 6788.61;
  • o may natatanggap na pension/welfare, at kasama ang sariling kita, ay nagkakahalaga ng mas mababa sa 6788, 61 euro sa isang taon
  • sinumang higit sa 70 anyos, may pensiyon o welfare at kasama ang sariling kita ay nagkakahalaga ng mas mababa sa € 9,060.51 bawat taon

para sa mga pamilyang may mga anak na mas mababa sa 3 taon ang edad:

  • ISEE 2016 na mas mababa sa € 6788.61;
  • kung mayroon pang higit sa isang menor de edad na mas bata sa tatlong taong gulang, ay idinadagdag ang mga kredito.

Para sa anumang karagdagang impormasyon tungkol sa kung sino ang kwalikpikadong makatanggap ng Carta Acquisti (ordinaria), mangyaring tingnan ang mga angkop na form sa INPS website.

Para sa karagdagang impormasyon:

  1. Posta Italiana toll free number 800 666 888 
  2. INPS
  3. toll free number 803.164 mula landline o 06164164 mula cellular phones
  4. bisitahin ang website ng Ministero dell’Economia e delle Finanza

 Paunawa:

Matatandaang batay sa European law, pagdating sa social welfare ay kailangang patas o pantay ang serbisyong matatanggap ng lahat, dayuhan man o Italians. Batay dito, bagaman isa sa mga requirements ay ang pagkakaroon ng EC long term residence permit (dating carta di soggiorno), napag-alaman ng Ako ay Pilipino na mayroong mga permit to stay holders ang nakakatanggap ng benepisyo matapos ang sumailalim sa pagsusuri ng mga tanggapan. 

 

ni: Elisha Gay Hidalgo 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Reunification, lubos ng online ang proseso ng mga aplikasyon

Bagong pamunuan ng GSBII Bronzewing Firenze Chapter, nanumpa