in

Carta di soggiorno per familiari UE at Permesso per lungo soggiornanti UE, paglilinaw ukol sa Aggiornamento 

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Lahat ng uri ng permessi di soggiorno sa Italya ay kailangan sumunod sa mga bagong EU security regulations na ipinagtibay ng batas bilang 2019/1157. Samakatwid, ang lahat ng uri ng mga permesso di soggiorno ng mga non-Europeans ay dapat na makatugon sa bagong format at magkaroon ng expiration date, tulad sa mga permesso di soggiorno UE na dating illimitato at sa kasalukuyan ay mayroon ng nakasaad na date of expiration. 

Basahin din: 

Carta di soggiorno per familiari UE

Batay sa bagong regulasyong nabanggit, kahit ang mga Carta di soggiorno per familiari di cittadini UE ay kailangang makatugon sa bagong EU security regulations. 

Kung kaya’t ang mga papel na carta di soggiorno na iniisyu sa mga non-EU family members ng mga European citizens ay tatanggalin na at nangangahulugan na ang mga owner ng nabanggit na uri ng dokumento ay dapat itong i-update hanggang August 3, 2023. At ang i-iisyu ay isa ng electronic format o e-card. 

Basahin din: 

Permesso di soggiorno per lungo soggiornanti UE

At bilang pagsunod pa rin sa regulasyong nabanggit, ang mga dayuhan na mayroong permesso di soggiorno per lungo soggiornanti UE, na inisyu higit sa sampung taon na, at hindi pa nakakapag-update ay inaanyayahang gawin ang ‘aggiornamento’ ng nasabing dokumento. 

Permesso di soggiorno per lungo soggiornanti UE ng mga menor de edad 

Ang mga dayuhan na mayroong anak na mas bata sa 14 anyos, sa kabila ng pagkakaroon ng permesso di soggiorno per lungo soggiornanti, ay kailangan ring i-update ang dokumento batay sa expiration date ng dokumento ng menor de edad.

Ipinapaalala na ang mga i-iisyu na dokumento: carta di soggiorno per familiari di cittadini UE at Permesso di soggiorno per lungo soggiornanti UE, ay magtataglay ng expiration date na tumutukoy sa validity ng hawak na dokumento at hindi sa karapatan sa pagkakaron ng hawak na dokumento. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pinaka ‘maleducati’ na Italians, saan matatagpuan? 

Aksidente sa motor, nasawi ang isang 56-anyos na Pinay sa Roma