Ang Cashback ay isang inisyatiba ng kasalukuyang gobyerno upang hikayatin ang mga consumers na magbayad hindi ng cash, bagkus sa pamamagitan ng sistema ng cash refund, na porsyento ng halagang binayaran ng cashless sa loob ng isang semester.
Sa katunayan, magsisimula sa December 8 ang experimental cashback di Natale na magbibigay refund, hanggang € 150 ng mga naipamili o nai-shopping sa buwan ng December sa mga shops gamit ang electronic payment hanggang €1500. Ito ay tinatawag din na “bonus bancomat”.
Upang magkaroon ng access sa bagong bonus ay kailangang gawin ang mga sumusunod na hakbang:
- Nasa tamang gulang at residente sa Italya;
- May Carta identità elettronica o SPID;
- mag-register sa app ‘IO’ (na ginamit na sa bonus vacanza)
- ang datos ng credit card o bancomat;
- codice fiscale;
- IBAN, kung saan matatanggap ang refund
Ang December Cashback ay tumutukoy sa refund ng 10% ng nagastos o hanggang € 150, mula December 8 hanggang December 31, 2020 sa kundisyong:
- mayroong hindi bababa sa10 transaksyon sa panahong nabanggit;
- ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng electronic payment tulad ng Satispay, Paypal, bancomat, credit card, debit card;
- ang pamimili ay gagawin sa mga negosyo o shops at hindi online.
Ang refund ay matatanggap direkta sa IBAN hanggang February 28, 2021.
Kaugnay nito, inilathala sa Official Gazzette ang Implementing rules ng Cashback na magsisimula naman sa January 1, 2021.
Simula January 1, 2021 hanggang June 2022, ay magsisimula ang Bonus ordinario na mayroong minimum na 50 transaksyon sa isang semester o 6 na buwan. Ibibigay ang 10% refund, hanggang sa maximum na gastos na € 1,500. Ang maximum refund na itinalaga ay € 15,00 bawat transaksyon.
Ang refund ay matatanggap sa bank account sa mga buwan ng July 2021, January 2022 at July 2022.
Isang super cashback ng € 1500.00 para sa unang 100,000 consumers na higit na gagamit ng electronic payment sa pamimili.
Para sa karagdagang impormasyon: cashlessitalia.it