Hindi alam ng nakakarami na ang mga domestic workers: colf, babysitters at caregivers – na regular na nakarehistro o nakatala sa Cassacolf ay may karapatang maka-access sa iba’t ibang packages nito, partikular ang medical assistance.
Inaprubahan sa kasagsagan ng lockdown, ang mga karagdagang serbisyo ng Cassacolf dahil sa emerhensyang hatid ng covid19. Ang mga ito ay balido hanggang sa Disyembre 31, 2020.
Matatanggap ng mga colf na nakatala dito, hindi lamang ang mga klasikong packages nito bagkus mayroon na ding mga innovative serives tulad ng video consulatation sa isang duktor ng 24 oras para mabantayan ang suspected case ng covid19, bilang tulong na rin sa mga magulang.
Upang matanggap ang package o karagdagang serbisyo Covid19 ay sapat ng ipakita ang sumusunod:
- huling 2 payments nito na hindi bababa sa € 8. Dahil sa naging suspension ng pagbabayad ng unang payment ng kontribusyon noong 2020 ng Decreto Cura Italia, ay tatanggapin din ang ikatlo at ika-apat na quarter payment ng kontribusyon ng 2019.
- ang request.
Ano ang Cassacolf?
Ang Cassa Colf, bukod sa Inps at Inail, ito ay karagdagang insurance sa kaso ng aksidente ng colf at nagbibigay rin ng benepisyo sa tulad ng tulong pinansyal kung maa-admit sa ospital, refund ng mga medical expenses, free medical check-ups sa mga accredited clinics.
Sinu-sino ang mga nakatala sa Cassa Colf?
Nakatala sa Cassacolf ang lahat ng mga manggagawa at employer na sakop ng Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro Domestico o CCNL, at regular na nagbabayad ng kontribusyon na ginagawa ng employer quarterly, sa parehong kundisyon ng social security. Ayon sa CCNL, ang pagpapatala sa Cassa Colf ay isang obligasyon sa domestic job simula noong Marso 2015.
Paano babayaran ang kontribusyon sa Cassacolf?
Batay sa napiling paraan ng pagbabayad ng kontribusyon ng employer ay kailangan ding bayaran ng employer ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cassa Colf.
Ang halagang dapat bayaran ay € 0,03 kada oras ng trabaho. Ito ay babayaran ng employer at ang bahaging para sa worker na €0,01 ay maaari na lamang kunin ng employer sa susunod na sahod ng colf.
Kailangang i-multiply ang oras ng trabaho quarterly sa € 0,03 , at ilagay ito sa ‘importo’ at idagdag ito sa halaga ng kontribusyon sa Inps.
Paano matatanggap ang mga serbisyo ng Cassacolf?
Upang matanggap ang mga karapatan mula sa Cassacolf ay kailangang:
- regular ang pagbabayad ng kontribusyon;
- kinakailangang umabot sa minimum na bayad ng € 25,00 sa isang taon ng kontribusyon sa Cassa Colf upang matanggap ang mga serbisyo nito. Upang umabot sa nasabing halaga ay maaaring magbayad ng ‘quota integrativa’ o additional amount sa 0,03.
Narito ang link para sa lahat ng serbisyo ng Cassa colf.
Narito ang video ng Cassacolf Covid19 package.
(PGA)