Mga uri ng permit to stay na maaring gamitin sa pagpasok sa mga bansa ng Schengen countries.
Mga update sa listahan ng mga dokumento na tinatanggap ng lahat ng mga bansa na miyembro ng EU para sa malayang paglalakbay. Wala ang cedolino o ang postal receipt
Rome – Aling permit to stay mula sa Italya ang maaaring gamitin para sa isang malayang paglalakbay sa Schengen countries ? Ang sagot ay inilathala ilang araw na ang nakalipas sa Official Journal ng European Union, kung saan ay regular na ipina-publish ang listahan ng wastong mga dokumentong kinakailangan.
Ang listahan ay tunay na magkakaiba, mula sa normal na permit to stay hanggang sa mga identity card na inisyu ng Ministry of Foreign Affairs, at kasama din ang humanitarian permit na inisyu para sa mga North Africans na dumating sa Italya ilang buwan na ang nakalipas. Nawawala, gayunpaman, sa listahan ang kilalang-kilalang ‘cedolino’ o ang postal receipt na nagpapatunay ng paghihintay sa unang isyu o renewal ng permit to stay. Samakatwid ay hindi maaaring pumasok o maglakbay sa Schengen countries.
Sa kasalukuyan ang Schengen ay mayroong 25 kasapi: 22 bansa ng EU (Austria, Belgium, Denmark, France, Finland, Germany, Greece, Italya, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Espanya, Sweden, Czech Republic, Estonia, Hungary, Latvia , Lithuania, Malta, Poland, Slovakia at Slovenia) at tatlong bansa na hindi kasapi ng EU (Norway, Iceland at Switzerland). Ang Liechtenstein ay ang magiging ikaapat na bansa sa lalong madaling panahon.
Narito ang kumpletong listahan ng mga permits na, kasama ang pasaporte hangga’t balido, ay binibigyan ng karapatan sa pagpasok at paglalakbay sa mga bansang kasapi ng Schengen (tingnan ang:
– permit to stay na mayroong pansamantalang validity – balido mula tatlong buwan hanggang tatlong taon. Ang mga permit to stay na ito ay inisyu sa mga kadahilanang:
– Pag-aampon (inisyu sa mga dayuhang bata, pansamantalang walang angkop na pamilya),
– Humanitarian (balido sa loob ng tatlong buwan)
– Religious
– Pag-aaral
– Mission
– Political
– Statelessness,
– Apprenticeship o pagsasanay,
– Muling pagiging Italian citizen (na inisyu sa mga dayuhan na nakabinbin ang paggawad o pagkilala ng Italian citizenship)
-Research o pananaliksik,
– Naghihintay na magkaroon ng trabaho o attesa occupazione
– Self-employment, IT 2011/05/27 Official Journal C 157 / 5
– Subordinate job,
– Subordinate seasonal job,
– Family
– Family with minors 14-18 (residence permit para sa dahilan ng pamilya ng menor de edad na anak sa pagitan ng edad ng 14 at 18)
– Volunteer
– protection (permit to stay na inisyu alinsunod sa Decree No 251 ng 19 Nobyembre 2007 sa transposisyon ng Directive 2004/83/EC)
– carta di soggiorno
– Permit to stay na papel (alinsunod sa batas ng bansa), may validity na hindi bababà sa tatlong buwan.
– Permit to stay para sa kalusugan, legal at humanitarian (valid hanggang tatlong buwan)
– Carta di soggiorno na ipinagkaloob bago lumabas ang Decree 8 Ene 2007, n 3 sa pagpapatupad ng Directive 2003/109/EC long-term residence permit, na inihalintulad sa pamamagitan ng legislative decree sa EC long term residence permit
– Residence permit para sa mga miyembro ng pamilya ng EU nationals ng ikatlong bansa, na balido hanggang limang taon,