Ang Consulting body ay hindi sang ayon sa artikolong inilabas sa ‘security act’
Hindi maaaring hatulan ang sinumang na deport (o sa sinumang nabigyan ng foglio di via) dahilan sa sobrang hirap ng buhay o may isang makatwirang dahilan.
Ito ay kinumpirma sa Constitutional Court at binigyang diin sa Artikulo 14, talata 5C, sa Batas ng Immigration, ngunit binago sa isang susog sa ‘security act’ ng gobyerno ni Berlusconi. Partikular, hindi malinaw at kulang ang parteng ‘ang paglabag sa batas ng deportation ay paparusahan lamang kung ito ay walang makatwirang dahilan’.
Nilinaw kung ano ang tama ayon sa konstitusyon sa korte ng Voghera, tinawag sa isang paglilitis ng hukom ang isang dayuhang mamamayan na pinapa deport ng apat na beses at apat na beses na natagpuang muli sa Italya. Hindi siya kaylanman hinatid o sinamahan sa airport, ngunit binigyan lamang ng foglio di via o order ng pagpapatalsik o deportation kung saan sinasaad ang pag alis sa Italya sa loob ng limang araw lamang.
Noong nakaraang Enero 3, sa sentensyang pinasok sa koret, ang babae ay nabigla “ang babae ay nagulat ng biglang hinuli habang nasa silong ng isang abandonadong gusali, kulang sa anumang mga mahahalagang serbisyo at heater habang ang temperatura ay mababa sa zero degree.” Ayon sa hukuman ng Voghera, ang matinding kahirapan ng mga babae ay itinuturing na “makakatwirang dahilan” upang maiwasan ang kanyang pag alis sa Italya sa kanyang sariling kakayanan.
Isang posisyon na tinanggap ng ‘Consulting body’. ‘ito ay hindi makatwiran’ – paliwanag sa naging sentensya -. isang sitwasyong itinuring ng batas na tamang tanggalin ang kaparusahan sa nagkasala, s unang hindi pagsunod, ay mawawalan ng bisa sa paglipas ng panahon”
May umiiral na “isang makatwirang basehan- ayon sa Consulting body-. kasama ang publikong interes sa pagtalima sa mga probisyon ng mga may kapangyarihan, sa mga tuntunin ng pagkontrol ng mga iligal na migrasyon at ng pangangalaga ng mga karapatang hindi dapat ipagkait sa tao”