Ang codice fiscale ay isang alphanumeric code na tumutukoy sa isang tao at kinakalkula batay sa pangalan, apelyido, kasarian at lugar ng kapanganakan. Ito ay itinuturing na isang mahalagang dokumento para sa access sa iba’t ibang serbisyong publiko tulad ng:
- Pagpapatala sa Servizio Sanitario Nazionale o SSN;
- Sa pagpirma ng mga kontrata;
- Pag-aaplay ng mga benepisyo at social allowances tulad ng invalidity, maternity, family at marami pang iba;
- Pagbubukas ng sariling negosyo;
- Pagta-trabaho
Samakatwid, ito ay ibinibigay hindi lamang sa mga Italians, bagkus pati sa mga dayuhan na regular na naninirahan sa Italya, matapos ang aplikasyon sa Agenzia dell’Entrate o sa Sportello Unico Immigrazione.
Mga dayuhang dumating sa Italya para sa trabaho at family reunification
Para sa mga pumasok sa Italya sa pamamagitan ng working visa at family reunification visa, ang codice fiscale ay direktang ina-aplay ng Sportello Unico Immigrazione sa Anagrafe tributaria.
Kung ang dayuhan ay walang codice fiscale (na maaaring nagkaroon na ng codice fiscal sa unang pagpasok sa Italya) ay bibigyan muna ng provisory at papalitan ng permanenteng codice fiscale sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno sa loob ng 8 araw mula sa pagpasok sa bansa.
Samantala, kung ang dayuhan ay naman ay nagbigay ng codice fiscal sa pag-aaplay ng nulla osta, ang Sportello Unico ay magre-request sa Agenzia dell’Entrate na suriin muna ito bago ito kumpirmahin.
Mga dayuhan na nag-aplay ng permesso di soggiorno direkta sa Questra
Sa ibang pagkakataon na ang permesso di soggiorno ay inaplay na hindi nangangailangan ng entry visa tulad ng Emersione, assistenza minori, protezione internazionale at iba pa, ang Questura ang magbibigay ng codice fiscale, sa pamamagitan ng Anagrafe tributiaria.
Dayuhan na regular na naninirahan sa Italya ngunit walang codice fiscale
Ang mga dayuhan na regular na naninirahan sa Italya ngunit walang codice fiscale ay maaaring mag-aplay nito ng personal sa Agenzia dell’Entrate, sa pamamagitan ng mga tanggapan nito sa mga Comune gamit ang form na ito.
Kailangang ilakip sa aplikasyon ang mga sumusunod:
- kopya ng balidong permesso di soggiorno;
- kopya ng balidong pasaporte at
- tukuyin ang address kung saan ito nais matanggap.
Narito ang mga dokumento bilang alternatiba sa pag-aaplay ng codice fiscale
- Balidong pasaporte na may entry visa;
- Certificate of diplomatic or consular identity in Italy;
- Permesso di soggiorno;
- Carta d’Identità
Duplicate ng Codice fiscale
Sa kaso ng pagkawala o pagkasira ng codice fiscale o tessera sanitaria, ay kakailanganin ang mag-aplay para sa duplicate nito, online sa pamamagitan ng link na ito.
Kakailanganin ang alphanumeric code o kumpletong personal datas, bukod pa sa ilang datos sa dichiarazione dei redditi na ginawa na nakaraang taon pati na rin ang dahilan ng pag-aaplay ng duplicate.
(Avv. Federica Merlo – www.stranieriinitalia.it)