in

Colf at babysitters sa summer period? Narito ang maikling Gabay.

Summer period sa domestic job

Simula na ng summer vacation para sa lahat! Narito ang maikling gabay para sa mga colf at babysitter sa summer period.

Una sa lahat, ang unang regulasyon na dapat alamin sa panahon ng bakasyon ng mga colf at babysitter ay kung ano ang nasasaad sa lettera di assunzione ukol sa panahon ng bakasyon o ferie. Karaniwang nasasaad dito na ang colf o babysitter ay maaaring magbakasyon kasabay ng employer.

Kung ito ay hindi nasasaad sa kontrata, ang panahon ng bakasyon ng mga colf at babysitter ay maaaring mabago batay sa pangangailangan ng parehong employer at worker. Gayunpaman, upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, partikular ang mga colf na magbabakasyon sa Pilipinas, ay ipinapayong bantayang mabuti ang takbo ng pandemic at ang pabago-bagong regulasyon (Italya at Pilipinas) sa muling babalik sa Italya.

Araw ng bakasyon

Bawat colf ay may karapatan sa 26 na araw ng bakasyon sa isang taon, anuman ang uri ng kontrata nito. Ang bilang nito ay mula lunes hanggang sabado at samakatwid, ay hindi kasama ang araw ng linggo.

Basahin din:

Panahon ng bakasyon

Ang mga araw ng bakasyon ay maaaring gamitin ng sabay-sabay lahat ng 26 na araw. Maaari ring hatiin ito sa dalawang bahagi o 14 na araw sa buwan ng Hunyo at 14 na araw sa buwan ng Setyembre.

Sa kaso ng mga colf na dayuhan, tulad ng mga Pilipino, ang artikulo 17 ng CCNL ay pinahihintulutan na ipunin ang mga araw ng bakasyon sa loob ng dalawang (2) taon at gamitin ang mga ito ng sabay-sabay. Ito ang tinatawag na “rimpatrio non definitivo”.

Basahin din:

Interruption ng bakasyon

Ang mga araw ng bakasyon ay maaaring magkaroon ng interruption. Ito ay sakaling sa panahon ng bakasyon ay magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit o maaksidente ang colf na magiging sanhi ng pagkaka-ospital nito.

Ito lamang ang tanging kaso na maaantala ang panahon ng bakasyon. Ipinapaalala na sa panahong nabanggit, ay nagma-matured ding kasabay ang 13th month pay (tredicesima), separation pay (TFR) at years of service (anzianità) .

Substitute sa panahon ng bakasyon

Kung ang employer ay mangailangan ng isang substitute sa panahong naka-bakasyon ang colf, ay maaaring gawan ang substitute ng contratto a tempo determinato.

Maaari ring gamitin ang Libretto famiglia ng Inps para sa occasional job.

Basahin din:

Ako Ay Pilipino

Travel ng employer sa panahon ng bakasyon

Sakaling magbiyahe ang employer o ang pamilya nito, ang colf o babysitter ay obligadong sumama sa employer, kung ito ay pansamantala lamang o sa second house ng pamilya lamang.

Kung sa contratto d’assunzione ay hindi nasasaad, ang worker na naka live-in ay hindi makakatanggap ng tinatawag na diaria giornaliera o daily allowance. Samantala kung ang colf ay part-timer, ay posibleng baguhin ang kundisyon sa kontrata.

Sahod sa panahon ng bakasyon

Ang mga colf at badante, tulad ng lahat ng mga domestic workers, sa panahon ng bakasyon ay tumatanggap ng normal na halaga ng sahod at walang anumang bawas. 

Basahin din:

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Maximum heat alert sa 9 na lungsod sa Italya

Bawasan ang panahon ng isolation at FFP2 mask sa mga asymptomatic, pinag-aaralan sa Italya