in

Conversion mula permesso di soggiorno per gravidanza sa permesso per motivo familiare

permesso di soggiorno per gravidanza Ako Ay Pilipino

Ako po ay mayroong permesso di soggiorno per gravidanza sa kasalukuyan. Ang aking asawa naman po ay mayroong permesso per lavoro subordinato. Maaari po bang i-convert ang aking hawak na permesso sa permesso di soggiorno per familiari?

Ang conversion ng permesso di soggiorno mula gravidanza sa motivo familiare ay pinahihintulutan sa kasong ang aplikante ay legal na kasal sa isang dayuhang regular na naninirahan sa Italya. Ito ay sa pamamagitan ng Coesione familiare’.

Sa pamamagitan ng coesione familiare, tulad ng ricongiungimento familiare, ang pamilya ng mga non-EU nationals ay maaaring manirahang magkakasama sa Italya batay sa mga kundisyong hinihingi ng batas.

Hindi na kakailanganin ang magkaroon ng nulla osta mula sa Sportello Unico per l’Immigrazione bagkus ay pinahihintulutan ng Coesione Familiare ang conversion ng hawak na dokumento o ang permesso di soggiorno per gravidanza, sa isang permit to stay per motivi familiari batay sa artikulo 30 talata 1 letra c ng Testo Unico per l’Immigrazione, sa pamamagitan ng miyembro ng pamilya na regular ang paninirahan sa Italya at nagtataglay ng permit to stay na balido na higit sa isang taon.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf nagkaroon ng Covid19, malattia o infortunio?

Ako Ay Pilipino

Decreto Riaperture, aprubado