Ang isang dayuhang may balidong dirver’s license issued sa sariling bansa ay maaaring magmaneho sa Italian territory hangga’t hindi pa residente ng higit sa isang taon. Upang makapagmaneho kailangang ang driver’s license ay may kalakip na official translation sa wikang Italiano. Ang translation ay maaaring gawin ng isang translator na kung saan, ang pagsasalin sa wikang italyano ay sinumpaan sa harap ng cancelliere giudiziario o notaio, o kaya’y isinagawa sa Consulate at pinirmahan ng Consul at legalized sa Prefecture (Prefettura).
Makaraan ang isang taong residensiya sa Italian territory, hindi na pinapayagang magmaneho ang isang dayuhang may driver’s license issued sa sariling bansa bagkus dapat ito ay naconvert na sa Italian driver’s license.
Pwede rin itong ipagawa sa mga autoscuole o sa mga Studi di Consulenza Automobilistica. Ang dayuhan ay dapat magbigay ng Pinagbayarang Euro 29,24; sa pamamagitan ng bollettini na may c./c. 4028 , (Hindi pwedeng gamitin ang ibang bollettini kung hindi ito printed at walang Medical certificate na may stamp at picture (may petsa na hindi bababa sa na buwan), issued mismo ng isang doctor na nanggaling sa “Ufficio della Azienda Sanitaria Locale “ASL”, at xerox copy nito.
· dalawang picture na puti ang background, bago, malinaw, kamukha. Hindi tatanggapin ang picture na printed sa carta termica (ginawa sa computer).
· Original na lisensiya issued sa sariling bansa at xerox copy nito at translation ng driver’s license.
· Zerox copy ng codice fiscale
Sa oras na ibigay ang italian driver’s license, ang lisensyang issued sa sariling bansa ay dapat i-surrender at ipapadala sa Consulate.
Kung ang isang dayuhan ay naninirahan na sa Italya ng higit sa isang taon mula sa petsa ng registration sa Anagrafe at nagmamaneho na ang lisensiyang issued sa sariling bansa ay expired na tatanggap siya ng administrative sanction, multa na ipinapataw sa mga driver na walang lisensya. Ang administrative sanction ay nagkakahalaga ng 155,00 euro hanggang 624,00. Bukod pa rito, babawiin ang lisensiya bilang parusa. Bawal ang magmaneho ng walang driver’s lincense o ito’y binawi o hindi nag-renew, ang multa ay mula €2.257,00 hanggang €9.032,00. Hahatulan din ng pagkakulong hanggang isang taon.