Sinusugan ng D.L. 20/2023, o ang Decreto Cutro, ang proseso para sa conversion ng permesso di soggiorno per studio sa permesso di soggiorno per lavoro. Matatandaan na sa mga nagdaang taon, ang sinumang mayroong permesso di soggiorno per studio, ay kailangang maghintay sa paglabas ng decreto flussi upang gawin ang conversion ng hawak na dokumento.
Sa kasalukuyan, ang conversion ng permesso di soggiorno per studio sa permesso di soggiorno per lavoro – subordinato o autonomo – ay hindi na kailangang maghintay ng decreto flussi at maaaring gawin kahit anong panahon na nais ng aplikante.
Requirements para sa Conversion ng permesso per studio sa permesso per lavoro 2024
Ayon sa bagong artikulo 6 talata 1 ng DLgs 286/98, na sinusugan ng DL 20/2023, ang permesso di soggiorno per studio ay maaaring i-convert sa per lavoro, sa pagkakaroon ng mga sumusunod:
- Balido o nasa renewal na permesso di soggiorno per studio;
- Contratto di soggiorno per lavoro;
- O angkop na sertipiko na nagpapatunay ng pagkakaroon ng mga requirements na nasasaad sa artikulo 26 DLgs 286/98
Para sa conversion ng permesso per lavoro subordinato, ang aplikante (estudyante) ay kailangang may proposed employment contract ng lavoro subordinato na higit sa 20 hrs weekly.
Para sa conversion ng permesso per lavoro autonomo, ang aplikante (estudyante) ay dapat magsubmit ng mga dokumentasyon kaugnay ng gagawing business at ang financial statement para sa katuparan nito (ang kita ay dapat mas mataas kaysa sa minimum required ng batas para sa exemption ng medical expenses, €8,500).
Paano gagawin ang conversion ng permesso per studio sa permesso per lavoro 2024?
Ang aplikasyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior gamit ang SPID.
Narito ang mga aplikasyon na maaaring gamitin sa kasalukuyan:
- form VA – para sa conversion sa lavoro subordinato;
- form Z – para sa conversion sa lavoro autonomo;
- form V2 – para sa conversione sa lavoro subordinato ng mga dayuhang nagtapos sa Italya;
- form Z2 – para sa conversion sa lavoro autonomo ng mga dayuhang nagtapos sa Italya.
Pagkatapos maisumite ang aplikasyon ay kailangang hintayin ang paglabas ng nulla osta mula sa Sportello Unico ng Prefettura. Sa paglabas ng nulla osta ay kailangang papirmahan sa employer ang contratto di soggiorno gamit ang form Q. Pagkatapos ay bibigyan ng Prefettura ng kit postale, para sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno per lavoro.
Mga dokumestayon na kailangang ilakip sa aplikasyon ng conversion sa lavoro subordinato:
- balidong pasaporte;
- balidong document ng employer;
- diploma sa Italya;
- proposta del contratto di lavoro (kung saan tutukuyin ang uri ng kontrata ng CCNL, lebel at antas ng trabaho, oras ng trabaho, lugar ng trabaho) na pirmado ng employer at worker;
- Marca da bollo;