Maganda araw. Ako ay isang mag-aaral at isang taon na lamang ay magtatapos na ako ng bachelor degree. Natapos ko na ang aking training period at nais akong i-hire ng aking employer. Ngunit ito ay nangangailangan ng conversion ng aking permit to stay. Ano ang proseso na aking dapat gawin?
Roma – Kahit na sa permit to stay per studio o formazione ay walang nasusulat na “permesso unico per lavoro”, ay posibleng mag-trabaho hanggang 20 oras kada linggo, sa loob ng 52 linggo at ang limitayson kada taon ay 1.040 oras, para sa panahong balido ang permit to stay (artikulo 14, talata 4 D.P.R. 394/99).
Sa kasong ang oras ng trabaho ay higit kaysa sa limitasyon na nabanggit sa itaas, ay maaaring mag-aplay ng conversion ng permit to stay per lavoro bago tuluyang magtapos ng kurso sa pamamagitan ng quote o decreto flussi. Ang pagkakataong ito ay ibinibigay lamang sa sinumang nakatapos na ng kurso o training.
Ang application ay dapat na isinumite, una sa Sportello Unico per Immigrazione na kinasasakupan ng tirahan. Ang permit to stay ay kailangang balido sa paga-aplay ng conversion. Sa pagsusumite ng aplikasyon ay kailangang i-fill up ang modello VA sa website ng Ministry of Interior. Pagkatapos, ang SUI ay magbibigay ng schedule upang suriin ang mga dokumento at para pirmahan ang residence contract (o contratto di soggiorno). Sa SUI ay kailangang isumite ang orihinal at kopya ng mga sumusunod na dokumento:
- Dokumento at permit to stay na iko-convert
- Dokumento ng employer
- Sertipiko ng pagtatapos ng training o diploma na nagpapatunay ng pagtatapos ng kurso
- Employment contract na pirmado ng employer at ang residence contract o contratto di soggiorno per lavoro subordinato.
- Certificate of Chamber of Commerce at dokumentasyon ng kita;
- Patunay ng tirahan ng worker (kontrata sa upa/declaration of hospitality) at certificato d’idoneità alloggiativa
- Revenue stamp na € 16,00 (ang ginagamit sa compilation ng application at isang bago, parehong orihinal)
Ang SUI ay susuriin ang mga requirements at sa kasong positibo ay ipapadala sa employer at worker ang kopay ng residence contract na pirmado ng pareho at authenticated ng awtoridad. Bukod dito ay ibibigay din ang form na handa na para sa request ng first issuance ng permesso di lavoro per lavoro subordinato na ipapadala sa Questura sa pamamagitan ng kit postale. Ang Questura, matapos ang pagsusuri ay ibibigay ang permesso di soggiorno per lavoro subordinato.
Ipinapaalala, na ang conversion ng permit to stay na pinahihintulutan sa labas ng quota ng decreto flussi ay ang mga nagtapos lamang sa unibersidad sa Italya ng mga sumusunod:
- Laurea triennale (180 crediti formativi universitari o CFU);
- Laurea specialistica biennale (120 CFU);
- Laurea magistrale (300 CFU);
- Diploma di specializzazione (durata minima 2 anni);
- Dottorato di ricerca universitaria (durata minima 3 anni);
- Master universitario di I livello, post laurea triennale (durata minima 1 anno)
Basahin rin:
Permesso di soggiorno per studio, maaaring gamitin sa trabaho?