Mahalagang sentensya ng TAR Lazio para sa isang kabataang menor de edad.
Ang mga ‘menor de edad na walang kasama’ o ‘un accompanied minors ‘o ‘minori stranieri non accompagnati’ ay kilala bilang mga menor de edad na naririto sa bansa nang walang reference na nakatatanda (magulang, kamag-anak, tagapag-alaga o caregiver).
Ang kasalukuyang batas ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga batang ito na makakuha ng permit to stay hanggang sa edad ng mayoriya. Pagkatapos, sa edad ng labing walong taon, ang batas ay nagbibigay ng pagkakataon para sa conversion kung may opisyal na presensya sa Italya na hindi bababa sa tatlong taon at sa mga kabataan na walang sapat na requirements para dito at magiging umpisa ito ng pagiging iligal.
Sa madaling salita, ang literal na interpretasyon ng Artikulo. 32, D. lgs. N. 286/98 tulad ng pagkakasulat sa ‘security law’ (pacchetto sicurezza) noong Hulyo 2009, ang mga batang may edad na 15 taon at isang araw, na pumasok sa Italya ay walang pagkakataon na magkaroon ng permit to stay sa pagiging mayoriya nito, kahit pa makakuha ito ng kanyang sariling trabaho.
Sa kabutihang palad, ang mga administrative judges sa korte ay nagbigay ng isang interpretasyong constitutionally oriented sa mga susog nito. Partikular, ang TAR ng Lazio, sa isang maigsing sentensya No. 32718/10 ay tinanggap ang isang apila ng isang mamamayan ng Bangladesh na tinanggihan ang conversion ng permit to stay para sa mga menor de edad sa permit to stay sa trabaho.
Ang aplikante ay dumating sa Italya sa edad na 16 taon. Mula pagka bata ay ipinagkatiwala sa isang orphanage (casa famiglia) at ipinagkaloob ng Hukuman sa Mayor bilang kanyang tagapag-alaga. Nakatanggap naman ng proteksyon at ang bata ay nagsimula ng isang maayos na pamumuhay sa lipunan, nag simulang mag trabaho sa bansa at nag request din ng permit to stay bilang proteksyon sa mga menor de edad, ngunit ang nararapat na permit to stay ay hindi kailanman ipinagkaloob.
Sa pagiging mayoriya nito, sa pamamagitan ng Post Office, ay nagpadala muli ng aplikasyon para sa conversion ng permit to stay (na hindi kaylanman ibinigay) upang maprotektahan bilang menor de edad sa permit to stay sa trabaho, ngunit ang Administration ay tinanggihan dahil wala pa sa tatlong taon ang kanyang paninirahan sa Italya..
Nag-prisinta ng apila laban sa pagtangging natanggap, at ang TAR ng Lazio ay nagbigay pabor sa mamamayang Bengali at inihayag na ang conversion ng permit to stay sa isang dayuhang menor de edad na naging isang mayoriya sa paglipas ng panahon, artikulo g. 32, D. lgs. N. 286/98 ay nagpapaliwanag na dapat igawad ang karapatan ng conversion sa mga menor de edad na nakatanggap ng proteksyon mula sa ibang tao, institusyon o entidad at sila ay napapasa-ilalim sa nasabing proteksyon at sa pagiging mayoriya, ay nananatiling may karapatan upang igawad sa kanila, ang renewal para sa ibang motibo o kadahilanan at sila rin ay nahatulan, gayun pa man, ng Administration na bayaran ang anumang gastusin sa korte.
Pasasalamat kay l’Avv. Gennaro Santoro para sa kanyang pakikipag tulungan.