Ang pag-aabroad ng isang ina ay hindi dahilan upang ibigay ang custody ng illegitimate child sa ama.
Ang custody at parental authority ng bata na ipinanganak ng mga magulang na hindi kasal ay dapat sa nanay lamang at kung wala siya ay sa mga lolo at lola nito sa mother side bilang substitute parental authority.
Sa isang Supreme Court case (Briones vs. Miguel, GR 156343, Oct. 18, 2004), ibinigay ang custody at parental authority ng bata na pinanganak ng mga magulang na hindi kasal sa nanay habang ito ay nagtratrabaho bilang OFW sa Japan at kalaunan ay dinala niya ito sa nasabing bansa.
Sinabi sa decision na ang pagtratrabaho sa ibang bansa at pagiiwan sa anak na illegitimate sa mga lolo at lola nito sa mother side bilang substitute parental authority ay hindi isang mabigat na dahilan na kunin ng tatay ang custody sa nanay. Hindi ito matatawag at makunsidera na abandonment o pagpapabaya ng nanay. (Atty. Marlon P. Valderama)