in

Dapat malaman ukol sa permit to stay kung magbabakasyon sa labas ng Italya

Ang mga patakaran ay nag-iiba kung ang permit to stay ay balido, kung nasa renewal o first issuance ito. Narito ang mga paalala.

 

Roma, Disyembre 13, 2015 – Christmas o summer vacation man ay walang pagkakaiba. Bago tuluyang lumabas ng bansang Italya ang mga imigrante upang mag-bakasyon ay kailangn munang siguraduhin ang sitwasyon ng kanilang permit to stay.

Walang anumang alalahanin ang mga imigrante na balido ang permit to stay (o carta di soggiorno). Sa katunayan, sa pamamagitan ng balidong permit to stay at pasaporte, ang mga imigrante ay malayang makakalabas at makakabalik ng bansang Italya upang magbakasyon sa sariling bansa at anumang Schengen country na hindi lalampas ng talong (3) buwan.

Ang Schengen area, maliban sa Italya ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Belgium, France, Germany, Luxembourg, Netherlands; Portugal; Spain, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia, Lithuania, Poland; Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta, Switzerland, Liechtenstein.

At kung nais magbakasyon o mag-stop over sa bansang hindi kabilang sa Schengen tulad ng UK? Sa ganitong mga kaso ay kailangang makipag-ugnayan sa Embahada o Konsulado ng bansang nais puntahan upang malaman, kung base sa nasyunalidad, ay nangangailangan ito ng entry visa o transit visa.

Samantala, limitado naman ang pagbibiyahe o pagbabakasyon ng mga nasa renewal ang permit to stay. Ang ‘cedolino o resibo ng renewal, kasama ng pasaporte ay pinahihintulutan lamang na magbiyahe ang imigrante sa pagitan ng Italya at sariling bansa ng walang stop-over sa anumang bansa ng Schengen, na hindi kumikilala sa resibo ng renewal bilang balidong dokumento.

Ang sinumang nag-aplay para sa first issuance ng nasabing dokumento, per lavoro o motivo familiare man, ay maaaring mag-biyahe sa pagitan ng Italya at sariling bansa, dala ang resibo ng application ng first issuance, ang pasaporte at ang entry visa na natanggp sa pagpasok sa Italya. Samantala, maaaring mag-biyahe o mag-stop over sa anumang bansa ng Schengen sa kundisyong ang entry visa ay ‘Schengen Uniforme’ at nananatiling balido.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtaas sa singil ng idoneità alloggiativa, pinawalang-bisa

Kalansing ng mga tansan