Ang isa sa mga pagbabago ng Decreto Flussi 2023 ay ang awtomatikong pag-iisyu ng nulla osta – para sa seasonal at non-seasonal job – sa loob ng 30 araw lamang mula sa Prefecture.
Ano ang ibig sabihin nito?
Nangangahulugan ito na, kung ang mga dahilan na posibleng maging hadlang para sa pag-iisyu ng nulla osta ay hindi lalabas sa loob ng 30 araw (halimbawa ang employer ay hindi nakakatugon sa mga requirements o may criminal record.), ang nulla osta al lavoro ay dapat ipadala sa Italian Embassy ng country of origin ng kinukuhang worker.
Ang Italian Embassy naman ay mayroong 20 araw para mag-isyu ng entry visa sa dayuhang manggagawa.
Upang umabot sa itinakdang deadline, sa Decreto Flussi 2023 ay nasasaad na ang verification sa mga aplikasyon ay isasagawa ng mga professionals tulad ng mga consultants, accountants, abogado at mga eksperto sa accounting.
Ang mga nabanggit ay mag-iisyu ng isang asseveration na ilalakip sa aplikasyon ng nulla osta.
Sa ganitong paraan ay inaasahang mapapabilis ang pag-proseso sa mga aplikasyon.
Ano ang dapat gawin kung ang nulla osta ay hindi maiibigay sa loob ng 30 araw?
Kapag lumipas na ang 30 araw, ang deadline na itinakda ng Decreto flussi, posibleng lumapit sa Prefecture at i-request ang pag-iisyu ng nulla osta al lavoro. (Atty. Federica Merlo)