Kung ikaw ay worker dapat mong ipaalam bawat taon ang iyong kinita sa pamamagitan ng deklarasyon ng taunang kita (dichiarazione dei redditi) (Modello 730 o Modello Unico).
Gayon pa man, pwedeng hindi na magpresenta ng deklarasyon kung kumita ka lamang ng halagang 8000,00 euro mula sa trabahong subordinate sa loob ng 365 days.
Paano ideklara ang income
Para sa pagdeklara ng income pwede mong kumpilahan ang Modello 730 kung:
- ikaw ay dependent worker o pensyunado;
- may kinita ka sa indemnity ng iyong sweldo tulad ng indemnity ng paglilipat sa trabaho
- ikaw ay sosyo sa isang kooperatiba na nagpoproduce ng trabaho, serbisyo, pansakahan, transportasyon ng mga produkto at pangingisda;
- ikaw ay isang pari;
- ikaw ay hukom, deputy o may katungkulan sa tanggapang pampubliko;
- ikaw ay may trabahong may kinalaman sa social work;
- ikaw ay magsasaka.
Ang form na ito ay pwede mong ipresenta sa tulong ng iyong employer o sa tulong ng isang ahensiya (within 30th of April) o kaya’y sa mga Centri di Assistenza Fiscale (CAF) para sa mga subordinate worker na itinayo ng mga asosasyon ng Labor Union o ng mga employers. Ang mga subordinate worker ay dapat magpresenta within 31st of May. Pwede ka ring magpatulong sa mga propesyunal (job consultant (consulente di lavoro) o accountant (commercialisti, ecc).
Ang modello 730 ay dapat ipakita sa employer o sa tanggapan na nagbibigay ng contribution tulad ng Inps, Inpdap etc.) Kalakip ng Mod. 730 dapat na ipakita ang mga dokumentong sumusunod:
- huling deklarasyon na naipresenta na noong mga nagdaang taon;
- ang CUD
- mga invoice, resibo,voucher na nagpapakita na ikaw ay may sinusustentuhan upang bawasan ang dapat mong bayaran halimbawa ay mga gamot;
- Resibo na nagpapatunay na ikaw ay nagpagawa ng iyong bahay at mga gamit sa bahay.
Sa Modello 730 maaari mong ideklara ang sumusunod na income:
- income mula sa subordinate job
- income mula sa mga lupain o pagawaan;
- income mula sa kapital ng negosyo;
- income sa pansariling trabaho na kung saan di hinahanapan ng partita IVA;
- income na dapat ibayad ng separated na tax.
Modulo Unico
Dapat mong ipresenta ang Modello Unico sa pamamagitan ng nabanggit na modello, ito ay inilalathala bawat taon at maaari mong matagpuan sa mga tanggapan ng Agenzie delle Entrate.
Ang Modello Unico ay dapat ipresenta kung noong 2009 ikaw ay may:
- income mula sa trabahong pansarili na kailangan ang partita IVA;
- income mula sa sariling business;
- income na nagmula sa pagbitiw sa isang hanapbuhay na may kasosyo;
- kinita na nanggaling sa pribado para sa mga drivers, gardeners, domestic helpers at iba pang worker sa loob ng bahay.
Ang deklarasyong ito ay maaari mong ipresenta directly sa mga post office mula sa ika-2 ng Mayo hanggang ika-30 ng Hunyo 2008. Sa loob ng ika-30 ng Hulyo naman kung ang presentasyon ay sa pamamagitan ng internet (sa CAF, accountant etc.)
Pamilya na carried ng aplikante
Kung ikaw ay may kapamilya at ikaw ang nagsusustento, may bawas ang iyong tax na babayaran. Asawa at mga anak lamang (kahit ang mga ito ay ampon o ipina-alaga lamang) ang tinutukoy dito kahit ang mga ito ay kumikita ng di hihigit sa 2,840.51 euro kahit na sila ay residente sa labas ng bansa.
Upang makamtan ang ganitong karapatan, dapat magpakita ng isang katibayan mula sa sariling bansa na nagpapatunay na sila ay miyembro ng pamilya (sa pamamagitan ng family composition) at dapat itong translated at legalized sa Italian Embassy na nasa sariling bansa.
Maaaring ituring na familiari a carico kahit ang mga magulang, lolo at lola, kahiwalay na asawa, manugang, biyenan, kapatid na lalaki at babae, anak ng iyong mga anak na naninirahan kasama mo o nakakatanggap sila ng tseke o sustento upang mabuhay.