in

Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito? (Unang bahagi)

altTrabaho ang gawaing pambahay. Ang mga kasambahay, gaya ng ibang manggagawa, ay may karapatan sa disenteng trabaho.

Noong 16 Hunyo 2011, ang International Labour Conference ng International Labour Organization ay nagpatibay ng Kumbensiyon hinggil sa disenteng trabaho para sa mga kasambahay, na tinaguriang Kumbensiyon para sa Kasambahay, 2011 (Blg. 189).

Ano ang Kumbensyon Blg. 189?

Ito ang tratado na pinagtibay ng Intenasyunal na Kumperensya ng Paggawa, na binubuo ng mga delegado mula sa gobyerno, manggagawa at employer na pawang galing sa 183 kasaping Estado ng ILO.

Hinggil saan ang Kumbensiyon Blg. 189?

Ang Kumbensiyong Blg. 189 ay naghahain ng tiyak na proteksyon sa mga kasambahay. Naglalatag ito ng mga batayang karapatan at prinsipyo, at inaatasan ang mga estado ng gumawa ng mga hakbang upang matamo ang disenteng paninilbihan ng mga kasambahay.

Ano ang kahulugan ng pagratipika ng Kumbensiyon?

Kapag naratipika ng isang bansa ang Kumbensiyon, ang gobyerno nito ay pormal na nagtataya sa pagsasakatuparan ng lahat ng obligasyong isinasaad ng Kumbensiyon, at mag-uulat nang pana-panahon sa ILO hinggil sa mga hakbang na isinagawa sa naturang usapin.

Rekumendasyon Blg. 201 – Paano ito naiiugnay sa Kumbensiyon?

Ang Rekumendasyon ng mga Kasambahay Blg. 201, na pinagtibay din ng ILO ng 2011, ay nag-aambag sa Kumbensyon Blg. 189. Taliwas sa Kumbensiyon, ang Rekomendasyon Blg. 201 ay sarado sa ratipikasyon. Ang Rekomendasyon ay nagsasaad ng praktikal na gabay hinggil sa mga posibleng legal at iba pang hakbang upang maipatupad ang mga karapatan at prinsipyong nakasaad sa Kumbensiyon.

Paano isasakatuparan ang Kumbensiyon?

Ang Kumbensiyon ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalawig o pag-aangkop ng mga umiiral na batas at regulasyon o iba pang alituntunin o sa pagbubuo ng bago at tiyak na patakaran para sa mga kasambahay. Ilan sa mga patakaran na hinihingi sa bisa ng Kumbensiyon ay maaaring gawin nang progresibo.  

Sino ang saklaw ng Kumbensiyon Blg. 189?

Ano ang paninilbihang pambahay?

Ipinakahulugan ng Kumbensiyon Blg. 189 ang paninilbihang pambahay bilang “trabaho na ginagawa sa mga bahayan o sambahayan”.

Ang trabahong ito ay maaaring saklaw ang gaya ng paglilinis ng bahay, pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, pagaalaga ng mga bata, matanda o maysakit sa pamilya, o kahit pangangalaga sa hayop  sa bahay.

Sino ang kasambahay?

Sa bisa ng Kumbensiyon, ang kasambahay ay “sinumang tao na sangkot sa paninilbihang pambahay na may ugnayan ng pag-eempleo.

Ang kasambahay ay maaaring mag-trabaho nang lubos ang panahon (full time) o limitado ang panahon (part time); at gawaing empleo ng isang bahayan o maraming employer; manirahan sa bahay ng employer (live-in) o manirahan sa kanyang sariling tahanan (live-out). Ang kasambahay ay maaaring magtrabaho sa isang bansa na hindi siya mamamayan nito.

Sino ang employer ng kasambahay?

Ang employer ng kasambahay ay maaaring kasapi ng bahayan na pinag-gaganapan ng trabaho, o kaya’y isang ahensya o negosyo na tumatanggap ng mga kasambahay at inilalaan sila sa mga bahayan.

Sa pagsasakatuparan ng Kumbensiyon, sasangguniin ba ang mga manggagawa at employer?

Ang mga probisyon ng Kumbensiyon ay ipatutupad nang may pagsangguni sa karamihan sa mga organisasyon ng kinatawan ng mga manggagawa at employer (Artikulo 18).

Dagdag pa dito, inaatasan ng Kumbensiyon ang mga Gobyerno na konsultahin ang karamihan sa mga kinatawang organisasyon ng mga employer at manggagawa at, kung saan ang mga ito umiiral, kasama ang mga organisasyon na kumakatawan sa mga kasambahay at ang mga organisasyon na kumakatawan sa mga employer ng mga kasambahay sa apat na tiyak na bagay:

–           Tukuyin ang mga kategoriya ng mga manggagawa na hindi ibibilang sa saklaw ng Kumbensyon

–          Mga hakbang hinggil sa kaligtasan sa trabaho at kalusugan

–          Mga hakbang sa seguridad panlipunan

–          Mga hakbang para protektahan ang mga manggagawa laban sa mga abusadong kagawian ng mga pribadong ahensiya ng pag-eempleo (mga Artikulo 2, 13 & 15)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Deadline ng mga kontribusyon, nalalapit na

Carta Blu para sa mga highly qualified workers nasa Kamara