in

€200,00 isa sa mga requirements sa Italian Citizenship

Simula noong 2009, ang lahat ng aplikasyon para sa Italian Citizenship ay kailangang lakip ang kabayaran ng € 200,00 na nakapangalan sa Ministry of Interior. Ito ay hindi ibinabalik sa aplikante sa kasong negatibo ang aplikasyon.

 

 

Mula noong July 2009, ang lahat ng aplikante, bukod sa iba pang requirements upang maging naturalized Italian, ay kailangan ring magbayad ng halagang € 200,00 gamit ang bollettino postale, sa conto corrente 809020 sa Ministry of Interior-Department of Civil liberties and Immigration. Ang mga bollettini ay matatagpuan sa mga Prefecture at mga Post Offices na mayroong ‘Sportello Amico’.

Matapos bayaran ang halagang nabanggit, na maaaring sa pamamagitan din ng bank transfer mula sa ibang bansa, ang pinagbayaran ay kailangan i-scan upang mapatunayan ang pagbabayad nito at kasama ang ibang requirements at aplikasyon ay ipapadala online.

Mahalagang malaman na ang €200,00 sa kasong negatibo ang resulta ng aplikasyon ay hindi ibabalik sa aplikante. Ang kalahati ng halaga nito ay direktang mapupunta sa mga tanggapan ng Ministry of Interior para sa mga international projects ukol sa imigrasyon. Ang kalahati naman ay nakalaan sa mga gastusin para sa pagsusuri ng aplikasyon.

Kailangan rin ba ang marca da bollo ng €16,00?

Sa aplikasyon, bukod sa pinagbayarang €200,00 ay kailangan din ang numero ng e-marca da bollo. Ito ay nagkakahalaga ng €16,00. Ito ay hindi muna idinidikit sa aplikasyon bagkus ay isinusumite sa Prefecture sa araw ng appointment.

 

Basahin rin:

Italian citizenship by residency, anu-ano ang mga kailangang dokumento?

Gabay sa online application ng Italian citizenship

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizenship by residency, anu-ano ang mga kailangang dokumento?

Mga Dapat Malaman tungkol sa SLEEP APNEA SYNDROME