in

Esenzione Ticket Sanitario 2021, kailan dapat i-renew?

Esenzione Ticket Sanitario 2021, kailan dapat i-renew?

Dahil sa pandemya, maraming Rehiyon sa Italya ang nagpalit ng expiration ng esenzione ticket sanitario: E01, E02, E03, E04.  Ang expiration ng esenzione ticket ay iba-iba sa bawat Rehiyon. Halimbawa, para sa Rehiyon ng Piemonte, ang esenzione E02 ay awtomatiko ang renewal hanggang sa July 29, 2021. Ang rehiyon ng Lazio ay sa June 31, 2021 naman ang expiration. Habang ang karamihan ng mga rehiyon tulad ng Lombardia, Campania, Puglia, Sicilia ay March 31, 2021. 

Makabubuting suriin sa pamamagitan ng mga official website ng mga Rehiyon kung saan residente ang validity ng Esenzione Ticket Sanitario. 

Renewal ng Esenzione ticket sanitario 2021, paano gagawin? 

Ang ticket sanitario sa Italya ay ang payment sa serbisyong pangkalusugan na ibinigay ng public hospital o ng accredited private health structure. Para magkaroon ng esenzione taun-taon, batay sa pamamaraang hinihingi ng bawat Rehiyon, ay kailangang iprisinta sa CUP ng ASL kung saan residente ang isang Autocertificazione para sa exemption sa pagbabayad sa mga medical check-ups at serbisyo ng parmasya sa pamamagitan ng ticket.

 Samakatwid, sa March 31, 2021, sa halos lahat ng mga Rehiyon, ay mage-expire ang esenzione ticket. Nangangahulugan na pansamantalang mahihinto ang mga benepisyo tulad ng libreng mediacl check-ups at libreng gamot. 

Simula April 1, 2021, ang mga mamamayan ay kailangang makipag-ugnayan sa kanilang mga medico di base upang alamin kung may esenzione pa ba o wala na.

Kung kukumpirma ng inyong medico di base ang pagtatapos ng karapatan ay,kinakailangang gawin sa ASL ang request ng: 

  • Esenzione per l’assistenza farmaceutica o pharmaceutical assistance ticket exemption,
  • Esenzione delle visite ed esami specialistici o medical check-ups ticket exemption 

Ang ilang Rehiyon ay maroong karagdagang esenzione ticket batay sa ISEE 2021. Bago ang magpunta sa CUP ng ASL, ay kailangang suriin ang esenzione ng lahat ng mga miyembro ng pamilya. 

Renewal ng Esenzione ticket sanitario 2021: Ang mga dokumento 

Simula April 1, 2021, partikular ang mga disoccupati o unemployed o walang trabaho, ay kailangang i-renew ang esenzione per motivo di reddito, upang hindi magbayad ng mga check-up at ticket sa parmasya. 

Mahalagang ang reddito o sahod ng aplikante ay hindi lalampas sa reddito o sahod na nakasulat sa form o sa valore ng ISEE. 

Sa renewal ay kailangan ang pagsusumite ng mga sumusunod: 

  • Autocertificazione.;
  • Tessera sanitaria – orihinal at kopya ng lahat ng mga miyembro ng pamilya;
  • Balidong ID ng aplikante – orihinal at kopya  

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Ako Ay Pilipino

Bagong regulasyon ng Italya sa mga babalik mula Europa

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Esenzione Ticket Sanitario, sinu-sino ang may karapatan dito?