Ang mga Non-EU highly skilled workers na nagnanais magtrabaho at manirahan sa bansang Italya ay maaaring mag-aplay para sa EU Blue Card work permit.
Ang bagong uri ng residence permit o ang EU Blue Card ay ipinagkakaloob sa mga migrante, sa pamamagitan ng legislative decree no 108 ng June 28, 2012 at ipinatutupad sa Italya simula noong Aug 8, 2012.
Ang EU Blue Card ay maaaring ibigay sa mga sumusunod:
– Mga dayuhang naninirahan sa ibang bansa
– Mga dayuhang legal na naninirahan sa Italya
– Mga dayuhang legal na naninirahan sa ibang EU Member State
– Dayuhang mga EU Blue Card holders na ibinigay ng ibang EU Member State
Ang EU Blue Card ay hindi maaaring maibigay sa mga sumusunod:
– Dayuhan sa Italya na mayroong temporary international protection permits, humanitarian permits o sa mga dayuhang nag-apply para sa mga nabanggit na permits at hinihintay pa ang releasing nito.
– Dayuhang naninirahan sa Italya bilang mananaliksik o researchers
– Miyembro ng pamilya ng mga EU nationals na ginagamit ang karapatan ng free movement
– Dayuhang EC Long Term Residence permit holders at ang mga mayroong parehong dokumento buhat sa ibang EU Member State
– Seasonal workers
– Empleyadong dayuhan na na-assign sa Italya
– Dayuhang pumasok ng EU Member State sa pamamagitan ng isang kasunduan na nagpadali sa pagpasok at pananatili ng ilang kategorya para sa business at investment
– Dayuhang nabigyan order of expulsion, kahit na ang naging order ay suspendido
Paano mag-aplay
Ang application para sa working permit (nulla osta al lavoro) para sa mga highly skilled foreigners ay isusumite ng mga employer online, sa pamamagitan ng pag-log on sa https://nullaostalavoro.interno.it
Pagkatapos nito, ang employer ay dapat mag-register sa pamamagitan ng email address at password. Ito ay magbibigay-daan sa employer upang maka-access sa seksyon na nakalaan para sa mga aplikante.
Pagkatapos ng pagrerehistro, ang aplikante ay magkakaroon ng access sa form section kung saan maaaring i-fill up ang form para sa pag-a-apply ng working permit gamit ang “Modulo BC” para sa issuance ng EU Blue Card.
Upang tuluyang ma-isumite ang application, ang employer ay dapat sagutan ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon kabilang ang personal datas ng employer at ng worker; ang kontrata o proposed contract; educational requirements, ang annual gross salary ng worker. Para sa taong 2012, ang worker ay dapat na magkaroon ng kabuuang kita ng 24.789 euros.
Sa loob ng 90 araw, ang Immigrations Office at ang Prefecture ay nararapat na i-proseso ang aplikasyon.
Ang mga kumpanya na pipirma ng kasunduan sa Ministry of Internal Affairs ay ang kailangang mag-follow up ng kanilang mga application.
Kwalipikasyon ng higher education
Upang maging qualify para maging EU Blue Card holder, ang worker ay dapat na nagtataglay ng higher education qualification.
Ayon sa Directive, ang higher education qualification ay tumutukoy sa "anumang diploma, sertipiko o iba pang katibayan ng mga kwalipikasyon na ibinigay sa pamamagitan ng isang karampatang awtoridad na magpapatunay ng pagtatapos ng isang post-secondary higher education program”.
Ang tinutukoy ng Directive na higher education qualification ay ang mga tumatagal ng tatlong taon.
Sa Italya, ang mga banyagang manggagawa ay dapat nabibilang sa Level 1, 2, at 3 professional qualifications sa Istat classification of professionals CP 2011.
Upang mapabilang sa regulated profession, ang mga banyagang manggagawa ay dapat matugunan ang mga requirements na itinalaga ng batas.
Maraming kategorya ng mga manggagawa ang maaaring mapabilang sa highly qualified work.
Halimbawa, sa Level 1, ay nabibilang ang mga managers, sa Level 2 ay nabibilang ang mga IT experts, engineers, doctors, agronomists, lecturers, habang nabibilang anman sa Level 3 ang mga technicians, accountant, lab analyst, social workers, tour operator, tourist animators, at iba pa
Bilang general rule, ang issuance ng EU Blue Card sa isang migrante ng EU Member State ay nagbibigay ng karapatan upang makapasok sa mga highly qualified positions sa bansang nagkaloob nito at maaaring makalipat sa ibang EU Member State kung saan kinakailangan ang kanilang expertise.
Ang mga kumpanya sa Italya ay nararapat na bigyan sila ng employment contract ng isnag taon.
Ang EU Blue Card
Ang mga workers na papasok ng bansang Italya bilang highly skilled professionals ay bibigyan ng mga special permit to stay, kilala bilang EU Blue Card, balido ng dalawang taon kung mayroong long term contract at katulad ng validity ng kontrata + 3 months kung mayroong short term contract naman.
Para sa unang dalawang taon, ang mga EU Blue Card holders ay pinapayagan lamang na gawin ang trabahong nauukol sa mga kondisyon na dahilan ng pagbibigay ng permit.
Posible ang magpalit ng employer sa loob ng unang dalawang taon, ngunit ang worker ay dapat ituloy ang parehong trabaho na naging dahilan ng pagbibigay ng permit.
Ang mga EU Blue Card holders ay mayroon ding karapatan upang kunin ang mga miyembro ng pamilya na hindi batay sa validity ng permit.
Makalipas ang 18 buwan ng legal na paninirahan sa Italya bilang EU Blue Card holder, ang mga highly qualified workers at ang kanilang pamilya ay maaaring lumipat sa ibang EU Member State para sa highly qualified employment.
Ganoon din para sa mga workers na pinagkalooban ng EU Blue Card mula sa ibang EU Member State ay maaari ring magtungo ng Italya para sa parehong dahilan.
Pagtanggi sa working permit o pagbawi sa Blue Card
Sa kaso ng pekeng dokumentasyon na ginamit sa pag-a-aplay para sa working permit o kung ang employer ay pinahintulutan ang ilegal na imigrasyon, exploitation ng mga ilegal na manggagawa, ay hindi ibinibigay ang working permit.
Kung ang worker ay kulang sa requirements, o walang sapat na mapagkukunang pinansyal o kung gumamit ng mga pekeng education certificate, ang Blue Card ay hindi ibibigay o maaaring bawiin.