in

European Election 2019: Gabay sa Pagboto – Kailan, paano at sino ang boboto

Nakatakda ngayong Spring ang ika-siyam na eleksyon ng Europa kung saan muling maghahalal ng mga Deputies na kumakatawan sa mga Member States ng EU sa loob ng European Parliament sa Brussels. Higit sa 512 M ang tinatayang boboto sa 28 members states para sa European Parliament at sa bilang na ito ay kasama ang mga EuroPinoys na kinikilala bilang second home ang Europa.

Matatandaang ang European Parliament ay ang tanging institusyon ng Europa kung saan ang mga miyembro ay direktang inihalal ng mga mamamayan.

Tulad ng napagkasunduan sa EU Council, ang eleksyon ng 28 members states ay magbubukas sa pagitan ng May 23 hanggang May 26 at bawat bansa ay malayang pumili ng petsa. Ang eleksyon sa Italya ay nakatakda sa Linggo, May 26, mula 7 ng umaga hanggang 11 ng gabi.

Ang EU Parliament ay binubuo ng 751 deputies. Ang Italya ay may karapatan sa 73 seats (76 pagkatapos ng Brexit).

Ang Italya ay nahahati sa limang circoscrizioni. At bawat circoscrizioni ay maghahalal ng iba’t ibang numero ng Euro deputies:

Nord-Ovest: 20 polling station (Piemonte, Valle d’Aosta, Liguria, Lombardia)

Nord-est: 15 (Veneto, Trentino-Alto Adige, Friuli-Venezia Giulia, Emilia Romagna)

Centro: 15 (Toscana, Umbria, Marche, Lazio)

Sud: 15 (Abruzzo, Molise, Campania, Puglia, Basilicata, Calabria)

Island: 15 (Sicilia, Sardegna)

Sa Italya ay mayroong 18 parties.

Maaaring bumoto ang mga mamamayang Italyano mula 18 anyos pataas, kabilang ang mga naturalized Italians.

Upang makaboto ay siguraduhin ang pagkakaroon ng tessera elettorale at isang balidong dokumento sa araw ng eleksyon.

Ang pagpili ay gagawin sa pamamagitan ng paglalagay ng X sa napiling party.

Maaari ring pumili ng higit sa isa hanggang 3 kandidato ng parehong partido, sa kundisyong iba’t iba ng kasarian. Kung hindi, ang ikatlong napili ay pawawalng-bisa.

Isusulat ang pangalan at apelyido ng kandidatong nais sa linya katabi ng simbolo ng partido.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Civil Union, pinahihintulutan ba ng batas ng Italya?

Decreto Salvini bis, tinanggal ang parusa sa mga barko na magliligtas sa mga migrante