Ang family reunification visa ay nagpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya ng dayuhan na mayroong regular na permit to stay, ang magpunta at manirahan sa Italya.
Sa batas sa family reunification process para sa mga dayuhang regular na naninirahan sa Italya ay nasasaad ang pagbibigay ng awtorisasyon o nulla osta matapos masuri ang mga requirements tulad ng sahod ng aplikante at angkop na tahanan.
Ang form o aplikasyon para magkaroon ng nulla osta na dapat sagutan at ipadala online ng aplikante ay matatagpuan sa website ng Sportello Unico per l’Immigrazione. Ito lamang ang natatanging paraan upang makapag-aplay ng entry visa for family reunification process at ang dayuhang aplikante na naninirahan sa Italya ang dapat mag-aplay nito sa pagkakaroon ng mga itinalagang requirements.
Ang proseso para sa request ng nulla osta ng family reunification ng miyembro ng pamilya ay maaaring gawin ng dayuhang may hawak ng regular na permit to stay na maaaring:
- Permesso di soggiorno per lavoro subordinato o autonomo (balido mula isang tao pataas);
- Permesso per asilo politico;
- Permesso per protezione sussidiaria;
- Permesso per motivi di studio o per motivi religiosi;
- Permesso per motivi familiari;
- Permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo;
- Permesso per attesa cittadinanza.
Sinu-sino ang mga miyembro ng pamilya na maaaring petisyunin sa pamamagitan ng family reunification?
- Legal na asawa at hindi legally separated;
- Menor de edad na anak, kahit ang mga anak ng asawa o mga anak bago pa man ikasal, ampon at ang mga bata sa ilalim ng guardianship at legal custody;
- Dependent na anak na higit sa 18 anyos na mayroong kapansanan at walang kapasidad na mamuhay mag-isa;
- Dependent na magulang o higit sa 65 anyos na walang ibang anak o kung mayroon man ay walang kapasidad alagaan at tustusan ang mga magulang.
- Tulad ng nabanggit, simula noong nakaraang Agosto 17, 2017 ang mga dokumento na isusumite kasama ang aplikasyon ng family reunification ay esklusibong ipapadala online.
Ang pagbabagong ito ay magpapahintulot sa mas mabilis na releasing ng nulla osta na inaasahang hindi lalampas ng 90 araw mula sa araw ng aplikasyon. Ang mga dokumento na ilalakip sa family reunification ng miyembro ng pamilyang pini-petisyon ay maaaring i-scan at ilakip sa aplikasyon sa website ng Sportello Unico per l’Immigrazione.
Narito ang mga dokumento na kailangang ilakip sa aplikasyon:
- Dokumento na nagpapatunay ng pagkakaroon ng minimum salary required para sa family reunification;
- Dokumento na nagpapatunay ng pagkakaroon ng angkop na tirahan at naaayon sa hygiene and sanitary requirement at idoneità alloggiattiva ng Comune kung saan naninirahan.
Ang orihinal na kopya ng mga nabanggit na dokumento ay kailangang isumite sa araw ng appointment o convocazione sa Sportello Unico.
Issuance ng nulla osta per il ricongiungimento
Kung magiging positbo ang resulta ng aplikasyon matapos isumite ang lahat ng mga dokumento na hiningi ay ipagkakaloob ang nulla osta para sa pini-petisyon na miymebro ng pamilya.
Ang nulla osta ay isusumite sa Embahada o Konsulado ng Italya sa sariling bansa. Kasamang sususriin ang relasyon sa pagitan ng dayuhang nasa Italya at miyembro ng pamilya sa sariling bansa, edad at kalusugan ng miyembro ng pamilya.
Ang enrty visa para sa family reunification ay ipagkakaloob o itatanggi sa loob ng 30 araw mula sa aplikasyon nito.
Sa kasong ipinagkaloob ang entry visa at makarating sa Italya ang miyembro ng pamilyang pinetisyon, ay kailangang magsumite ng cessione di fabbricato sa Commissariato sa loob ng 48 oras (ng pagpasok sa bansang Italya) ang dayuhang nag-petisyon.
Basahin rin:
Cessione di fabbricato, isa bang obligasyon?
Family reunification, ang required salary para sa taong 2018
Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification