in

FAQs (FREQUENTLY ASKED QUESTIONs) ukol sa DIRECT HIRE 2011

Narito ang mga kasagutan ng Stranieri in Italia sa inyong mga katanungan ukol sa Direct hire 2011.


PASAPORTE

Ang aking pasaporte ay pasò na at gusto kong malaman kung ako ay maaaring mag padala ng aplikasyon para sa direct hire 2011?

Sa teorya, ang aplikasyon ay maaari pa ring ipadala, ang mahalaga ay tama at kumpleto ang mga detalye na pagkikilanlan ng dayuhan para sa approval ng working permit (nulla osta). Ito ay upang mapadali rin ang anumang control ng Questura kung sakaling may sentensya o deportation ang aplikante. 
Tiyak na sa paglabas ng entry visa ay kakailangan ang isang balidong pasaporte. 
Ang tanging problema ay maaaring ang papapadala ng aplikasyon on line: maaaring, halimbawa, ay hingin sa form ang validity ng pasaporte. 
Kung ang pasaporte ay pasò na, maaaring hindi tanggapin ng sistema on line, ang application.

TIRAHAN

Kung ang colf ay titira sa aking bahay (live in),kakailanganin ko din ba ng sertipikasyon ng tirahan at kalinisan ( idoneità alloggiativa)? Nabasa ko na hindi ito kakailanganin. Maaari mo ba akong bigyan ng isang paliwanag?

Sa direct hiring  2006, kapag ang colf ay live in ay hindi kailangan ang sertipikasyon sa tirahan. 
Noong 2007 ang rules ng direct hire ay nagbago pati na ang batas sa tirahan, kaya kinailangan ang sertipikasyon.
 Ang Ministry ay nagbigay din ng parehong indikasyon sa direct hire 2011. Ang sertipikong ito, samakatuwid, ay dapat na i-prisinta sa pagpirma ng contrata di soggiorno ng employer o pagdating ng trabahador sa Italya upang i-prisinta ito sa Immigration Office upang humiling ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho.

Kung ang colf ay hindi titira sa akin (lungo orario), ako ba ang dapat na humanap ng kanyang titirahan na dapat na isulat sa application? Ako ba ang dapat magbayad ng upa ng bahay para sa kaniya hanggang sa makakuha ako ng sertipiko ng tirahan ng may-ari?

Sa aplikasyon ay dapat talagang isulat  ang isang angkop na tirahan. Ngunit dahil hindi sigurado na ang aplikasyon ay matatanggap, maaaring ibigay pansamantala ang inyong tahanan (siguraduhin na ito ay naa-angkop sa hinihingi ng batas), at pagkatapos, kung ang aplikasyon ay matanggap, sa pagdating ng manggagawa sa Italya ay maaaring magbigay ng ibang address. Malinaw, na ang araw na nakatakda para sa pag-pagpirma ng kontrata ay kinakailangang maghanda ng sertipiko ng tirahan at ng pahintulot ng availability sa loob ng tahanan. Ang kakulangan nito ay magiging hadlang sa paghingi ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho.

Para sa mga sertipiko ng tirahan na inisyu ng Engineering Department ng City Hall at ang opinyon sa kalinisan na inisyu ng ASL, nais kong malaman kung dapat na hawak ko ang mga ito sa click day o sa ibang araw?

Ito ay dapat i-prisinta sa araw ng appointment sa Prefecture (Sportello Unico) sa pagpirma sa kontrata at sa releasing ng awtorisasyon sa trabaho. Kung hindi man, maaari pa ring ipakita ang mga ito sa pagpaasok sa Italya ng manggagawa pagkatapos i-release ang visa para sa trabaho.


DOKUMENTASYON

Anong mga dokumento ang dapat isumite sa releasing ng working permit (nulla osta)?

Sa direct hire 2007  kinailangan ang mga sumusunod:

– 1 stamp na nakasaad sa application;

– 1 stamp, € 14.62 na ididikit sa working permit o nulla osta;

– Orihinal at kopya ng identification card ng employer;

– Kopya ng dokumento ng manggagawa (dokumentong ginamit sa application).

– ang sertipikasyon ng tirahan (idoneità alloggiativa)

Sa submission ng application o sa click day ay sapat ng isulat ang eksaktong datalye na nasa pasaporte ng manggagawa sa mga application form, at maingat na isulat ng eksakto ang mga detalye sa kita o sahod.


CONVERSION AT REGOLARISASYON NOONG 2009

Kung ang isang tao ay may expired permit to stay sa pag-aaral, at pagkatapos ay nag submit ng aplikasyon ng amnesty noong Set 2009,  maaari bang magpadala ng aplikasyon para sa convenrsion sa direct hire 2011? Lilinawin ko na hanggang ngayon ay walang tugon mula sa Questura sa kinalabasan ng regularisasyon.

Sa kasamaang palad ang conversion ng permit to stay mula pag-aaral sa trabaho ay nanganailangan ng balidong permit to stay. Sa pagkakataong na pasò ang permit to stay habang hinihintay ang resulta ng regularisasyon at may bagong employer, ito ay maaaring mag padala ng panibagong aplikasyon. Sa paglabas ng nulla osta, gayunpaman, ang empleyado ay dapat na bumalik sa kanilang bansa at mag-apply ng visa sa Italian Embassy.


KITA NG EMPLOYER

Dahil lumabas na ang pinaka hihintay ng circular mula sa Ministry, gusto kong tanungin ang sumusunod:

Hindi ko natagpuang nakasulat ang isang minimum wage para sa domestic workers.

Ang bagong-publish na Circular ay katulad ng mga alituntunin noong 2005/2007 at ang sapat na kita na kinakailangan ng employer para kumuha ng colf ay dalawang doble ng halaga ng kitang colf, kabilang ang mga kontribusyon sa Social Security.

Hindi ko alam ang araw ng click day para sa isang mula sa China (trabaho sa kumpanya ng konstruksiyon) Pebrero 3 ba? Nalilito ako ng basahin ko sa circular na Pebrero 3 ang pagpapadala ng mga aplikasyon para sa lahat ng iba pang mga lsektor sa Articles. 4,5 at 6.

Walang mga quota para sa trabaho (non-domestic) para sa Intsik at pati na rin sa mga bansang na hindi nakalista, kung saan ang Italya ay walang nilagdaan na kasunduan. 
Ang mga ito ay maaaring ipasok lamang bilang domestic workers at ang ng application ay maaaring isumite mula sa 2 Pebrero 2011.

Maaari bang mag-apply para sa isang worker sa direct hire 2011 ng part-time o 20 oras bawat linggo,hindi live-in? Ano ang minimum wage sa mga tulad ng ganitong trabaho? Ang mga kamag-anak ng mga manggagawa na nakatira sa Italya ay maaari ba syang patirahin? Ang aking kita sa taong 2009 ay humigit-kumulang 16,000 €.

Nasasakop din ng direct hire 2011 ang trabaho sa isang linggo na hindi bababa sa 20 oras at ang posibilidad na magbigay ng ibang address na hindi ng address ng employer. Dapat lamang na siguraduhin na ang tirahan na ibibigay, gayunman, ay naaayon sa parameters ng batas. Para sa kalkulalasyon ng sapat kita na dapat ipakita, basahin lamang ang link:   https://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-sweldo-ayon-sa-direct-hire-2011

Mangyaring tandaan na ang batas ay nagpapahintulot na pagsamahin ang kita ng magka pamilya ng unang degree (anak at mga magulang) kahit hindi nakatira sa iisang tahanan.

Hindi ko maabot ang minimum na sahod na dapat ibigay sa isang colf. Kahit pagsama samahin ang kita ng magulang ko, saang parte ng aplikasyon ko isusulat ang kapupunang kita o sahod?

Sa seksyon ng kita, may isang espesyal na puwang para sa karagdagang kita. Dito dapat isulat ang lahat ng kita o sahod na pinagsama sama.

 

IBANG KATANUNGAN

Gusto kong malaman kung nasa bagong batas ng direct hire 2011 ang ganitong sitwasyon: ako ay kukuha ng isang colf ng 20 oras bawat linggo at titira kasama ang aking pamilya, ngunit sa kaniyang pagdating sa Italya, ay isa pang kontrata para sa karagdagang 20 na oras (o mas mababa) sa ibang employer ang kanyang pipirmahan at piliin ang pagtira dito. Maari ba ito?

Kapag dumating sa Italya na may entry visa at naka hingi na ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho, ang colf ay maari ring mag trabaho sa ibang employer, na syang gagawa ng mga kinakailangang komunikasyon. 
Sa panahon ng renewal ng permit to stay, ang colf ay dapat patunayan ang pagkakaroon ng dalawang employer.

Ako ay nasa Italya na may seasonal permit to stay. Maaari bang parehong employer o ibang employer ang magsumite ng aplikasyon para sa akin para sa trabaho ?

Ang batas ay nagbibigay ng posibilidad na ito, sa pamamagitan ng parehong amo o magkaibang amo. Kung ang aplikasyon ay magkaroon ng positibong resulta, gayunpaman, ikaw ay babalik sa iyong bansa para mag-aplly ng entry visa sa trabaho sa Italian Embassy.

 

Direct Hire 2007

Ako ay nagsumite ng aplikasyon para sa trabaho noong 2007, ngunit hindi pa lumalabas ang anumang sagot. Maaari ba akong muling magsumite ng bagong aplikasyon para sa parehong trabahor?

Oo, ito ay posible, at ito ay hindi makaka-apekto sa naunang aplikasyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FAQs sa CIRCULAR 29

SINULOG FESTIVAL SA ROMA, SELEBRASYONG PUNONG-PUNO NG SORPRESA