in

FAQs sa CIRCULAR 29

Naririto po ang mga FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs) TUNGKOL SA MINISTRY OF INTERIOR CIRCULAR NO. 29.

1. Ano ang Circular 29?

Ang Circular 29 ng 07 Oktobre 2010 ay isang paguutos mula sa Ministero dell’ Interno ng Italya na naglilinaw ng pag-rerehistro ng pangalan ng mga Pilipino at paggamit ng iisang modo ng pagkilala sa kanila.  Ang isang mamamayan ng Pilipinas ay dapat nakarehistro sa Italya na gamit lamang ang kanyang pangalan (nome o given name) at apelyido (cognome o surname).

2. Kailan ang effectivity date ng Circular 29?

Ang Circular 29 ay isang batas na ipinalabas ng Ministero dell’Interno mula pa  noong   7 Oktobre 2010.

3. Aling mga dokumentong Italyano ang apektado ng Circular 29?

Lahat ng dokumentong Italiano ay apektado ng Circular 29, tulad ng permesso di soggiorno, carta di soggiorno, carta d’identita, codice fiscale, INPS, tessera sanitaria, patente di guida, etc.

4. Matatanggal ba ang aming mga middle name sa passport?

Ang pasaporteng Pilipino kasama na ng lahat pang mga dokumento buhat sa ating bansa ay hindi apektado ng Circular 29.  Hindi matatanggal ang mga middle name sa Philippine passports.

5. Bakit kailangan tanggalin ang middle name sa ating mga dokumentong Italyano?

Dahil ang “middle name” ay hindi maituturing na first name o kaya surname.  Dito sa Italya ang gitnang pangalan o “middle name” ay hindi ginagamit.  Ang ating mga middle name ay naglikha ng kaguluhan sa mga empleyadong nagrerehistro ng isang Pilipino.  May mga ilang Pilipino na ang middle name ay nakarehistro bilang pangalawang pangalan (second given name) samantalang may ibang Pilipino naman ay nakarehistro ang middle name bilang pangalawang apelyido (second surname). Bukod pa rito, mayroong mga rehiyon na sinunod ang Italyanong pamamaraan ng pagkilala; pangalan at apelyido lamang (walang middle name).

Ang malimit at patuloy na paghingi ng iba’t-ibang awtoridad ng Italya ng consular certificate na naglilinaw sa paggamit ng middle name ay isa rin naging basehan upang bigyan ng linaw sa wakas ang tamang pamamaraan ng paggamit o pagsulat ng pangalang Pilipino.

Samakatuwid ang Circular 29 ay ipinalabas ng Ministero dell’Interno upang maging pare-pareho ang sistema ng pagsusulat ng pangalan na mga Pilipino sa lahat ng dokumentong italyano.

6. May bayad ba ang consular certificate na galing sa Embahada?

Walang bayad ang consular certificate na galing sa Embahada kung ito ay tumutukoy sa pagbibigay linaw ukol sa identity ng isang Pilipino dahil sa kanyang middle name.

7. Paano ba nagkaroon ng Circular 29?

Nagmula ang Circular 29 buhat sa isang Note Verbale ng Ministero degli Affari Esteri noong 20 Hulyo 2010, na humihingi ng klaripikasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Italya ng paglilinaw ukol sa kumpletong pangalan ng isang Pilipino.

Sa masusing pag-aaral ng Embahada sa pagkakaiba sa pagsusulat ng mga Italyano sa mga pangalan ng Pilipino at upang maiwasan ang pagkalito ukol sa “middle name”, ang Embahada ay humiling sa mga awtoridad ng Italya ng sumusunod:

– given name at surname lamang ang dapat na isulat na pangalan ng bawat Pilipino,
– huwag ng ipagpatuloy ang iba’t ibang pamamaraan ng pagsusulat ng pangalan ng Pilipino
ipaalam sa lahat ng mga opisinang pampublikong Italyano ang iisang tamang paraan ng pagsusulat ng pangalan ng Pilipino.

PAALALA:
SA LAHAT PO NG ATING MGA KABABAYAN NA MAGPAPADALA NG APLIKASYON SA DIRECT HIRE 2011 AY PINA-AALALAHANAN NA HUWAG NG MAGLAGAY NG MIDDLE NAME.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ANG ‘SWELDO’ AYON SA DIRECT HIRE 2011

FAQs (FREQUENTLY ASKED QUESTIONs) ukol sa DIRECT HIRE 2011