in

FAQs ukol sa Italian language exam

Mga paglilinaw nula sa Prefecture ng Roma

Roma – 3 Peb 2010 – Ang Prefecture ng Roma ay nagpalabas ng isang serye ng mga katanungan at kasagutan para sa italian language exam sa mga nag babalak mag-apply ng EC long term residence permit (carta di sogiiorno). Ang mga ito ay:

Ano ang Italian language exam?

Ang pagsubok ay naglalayong malaman ang antas ng kaalaman ng Italian language ng mga dayuhan na nagnanais na humingi ng EC long-term residence permit (carta di soggiorno), tulad ng nasasaad sa Decree ng Hunyo 4, 2010 ng Ministry of Interior.

Sino ang dapat kumuha ng exam?

1. may 14 na taong gulang;
2. regular na naninirahan sa Italya ng limang taon;
3. may balidong permit to stay;
4. mag re-request ng EC long term residence permit (carta soggiorno)

Kailan dapat i-request ang italian language exam?

Ang request sa pagsasailalaim sa Italian language exam ay maaaring gawin sa pag-aaplay ng EC long term residence permit at maaari din naming pagkatapos ng pag-aaplay. Siguraduhin lamang na kumpleto sa lahat ng requirements.
http://www.interno.it/mininterno/export/sites/default/it/sezioni/servizi/come_fare/immigrazioe/021_Richiedere_il_permesso_di_soggiorno_CE_per_soggiornanti_di_lungo_periodo.html

Ano ang nilalaman ng exam?

Ang exam ay naglalaman ng isang maikling teksto, parirala at mga expression na madalas na ginagamit upang malaman ang antas ng pang unawa.

Ano ang dapat gawin upang makakuha ng italian language exam?

– Dapat isumite ng dayuhan sa Prefecture na sumasakop sa tirahan ang request o schedule ng
Italian language exam sa pamamagitan ng website http://testitaliano.interno.it

– Ang Prefecture, ay tatawagin ang dayuhan sa loob ng 60 (animnapu) araw upang sumailalaim
sa pagsubok, sa pamamagitan ng isang komunikasyon kung saan nasasaad ang araw, oras at lugar ng pagsusubok na makikita sa website http://testitaliano.interno.it

– Ang dayuhan ay dapat na pumunta sa lugar, araw at oras na itinakda dala ang permit to stay.

Paano malalaman ang resulta ng exam?

Ang dayuhan ay maaaring tingnan ang resulta ng pagsubok (Pasado / Hindi Pasado) sa pamamagitan pa rin ng website://testitaliano.interno.it.
Sa kasong hindi pasado (bagsak), ang dayuhan ay maaaring ulitin ang pagsubok sa pamamagitan ng paggawa ng isa pang request sa pagkuhang muli ng test.
Sa kawalan ng pagtawag sa dayuhan, dapat mag-apply muli sa pamamagitan ng web (http://testitaliano.interno.it).

Makakakuha ba ng kaukulang certificate?

Hindi, walang anumang sertipiko ang ibinibigay kahit pasado ang resulta ng exam.

Sino ang hindi dapat kumuha ng pagsubok?

Ang pagsubok ay hindi dapat gawin ng mga dayuhan na mayroong:

– Sertipikasyon ng wikang Italyano na may antas na A2 ng QCER;
– Diploma o propesyonal na kwalipikasyon
(diploma ng secondary school ng first or second degree o sertipiksayon mula sa kurso sa unibersidad, doctorate degree);
– Isang pahayag na ang dayuhan ay pumasok ng Italya alinsunod sa mga pinagtibay ng batas at naghahanap buhay ayon sa Artikulo. 27, talata 1, isang titik a), c), d), e) at q) ng ‘Testo Unico’ ng Immigration.

Exempted din sa exam ang mga dayuhang walang kakayahang matutunan ang wikang italyano dahil sa edad, sakit o kapansanan. Sa mga ganitong kaso, ang sertipiko ng kapansanan buhat sa public health assistant ay dapat na isama sa request ng EC long term residence permit (carta soggiorno).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire 2010: Narito ang unang bilang bawat probinsya.

2011: YEAR OF THE RABBIT