Ang mga domestic workers sa Italya tulad ng colf, caregivers at babysitters ay may karapatan sa 26 na araw ng ferie o bakasyon, anuman ang haba ng oras o gaano man ang tagal ng serbisyo sa trabaho.
Basahin din:
Ang katanungan ay kung ano ang mangyayari sakaling hindi nagamit ng worker ang lahat ng araw ng kanyang bakasyon o ang tinatawag na ferie non godute. Maaari bang bayaran na lamang ang mga araw na ito ng employer?
Sa karamihan ng mga kaso, ang mga hindi nagamit na araw ng bakasyon ay hindi maaaring bayaran, maliban sa ilang pagkakataon tulad ng pagtatapos ng trabaho. Samakatwid, ang mga araw ng bakasyon na hindi nagamit ng colf ay maaari at dapat bayaran kung magtatapos ang kontrata o magbibitiw o tinanggal sa trabaho ang colf. Kaugnay nito, nilinaw ng Inps sa pamamagitan ng isang komunikasyon ang paraan ng pagbabayad ng employer sa kontribusyon ng mga ferie non godute sa web portal mismo ng Inps.
Paano kalkulahin ang mga araw ng ferie non godute o araw ng bakasyon na hindi nagamit?
Ang ferie non godute ay maaaring malaman batay sa mga araw o oras ng bakasyon na nagamit.
Sapat na ang kalkulahin ang mga araw ng bakasyon sa isang taon, samakatwid, 26 na araw at pagkatapos ay ibabawas ang mga araw na nagamit sa bakasyon.
Bilang alternatiba, para sa mga part timers na colf ay maaaring kalkulahin ang ferie non godute, batay sa oras at hindi sa bilang ng mga araw.
Bilang ng oras na ipinagtrabaho kada linggo X 52 (bilang ng linggo sa isang taon).
Ang sagot dito ay kumakatawan sa oras ng bakasyon sa isang taon. At mula dito ay ibabawas ang mga oras ng bakasyon na nagamit na. Ang resulta naman ay ang mga oras ng bakasyon na hindi pa nagagamit.
Paano babayaran ang kontribusyon sa mga ferie non godute sa domestic job ng employer?
Sa website ng Inps, sa “Portale dei Pagamenti”, ang inilaan na seksyon para sa pagbabayad ng kontribusyon sa mga ferie non godute para sa domestic job.
Ang application ay nagtataglay ng dalawang petsa ng pagwawakas sa obligasyon sa kontribusyon:
- ang unang petsa ay ang petsa ng pagtatapos ng rapporto di lavoro o ng trabaho;
- ang ikalawa ay ang petsa ng pagtatapos ng obligasyon sa pagbabayad ng kontribusyon, na kasabay ng deadline ng araw ng mancato preavviso kung kailan matatanggap ang kabayaran sa mga araw ng bakasyon na hindi nagamit o ferie non godute.